Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaDiumano'y scammer na nambibiktima ng mga delivery rider sa halagang libo libong...

Diumano’y scammer na nambibiktima ng mga delivery rider sa halagang libo libong piso, nahuli

Huli ang isang diumano’y lalaki na nanloloko ng mga delivery rider sa pamamagitan ng fake bookings at order cancellation.

Sa isang live video, ibinahagi ng Facebook page na “Jess Dagz Support” ang pagkahuli nila sa nasabing scammer na diumano’y umaabot sa libo libong piso ang nakukuha sa mga delivery rider.

Sa nasabing video, makikita ang 19-anyos na lalaki na nakaupo at hindi makaalis sa kanyang pwesto dahil sa napapaligiran na siya ng mga delivery rider na tila nagpipigil na lamang ng galit sa kanya.

Maririnig din na paulit ulit itong humihingi ng sorry sa mga nabiktima niya ngunit hindi naman nito naibalik ang mga inabonong pera ng mga delivery rider na katumbas na ng kinikita nila sa loob ng isang araw.

Ayon sa mga biktima, inuutusan ng suspek ang mga rider na bayaran muna ang item na kanyang binibili sa seller.

Ngunit ang hindi alam ng mga delivery rider ay peke ang lokasyon na ibibigay ng lalaki sa kanila.

Malalaman na lamang nila sa huli na magkasabwat pala ng suspek at ang seller at itatakbo na lamang nila ang perang inabono ng pobreng delivery rider.

Ayon sa ilang netizen ay halatang alam na ng scammer ang kanyang ginagawa.

“Hustler na ‘to. Observe how he act and approach the situation.” sabi ni netizen Monching CabaƱero.

“Kawawa nmn mga riders nag tratrabaho sila ng marangal tapus lolokohin mo lang kuy!” ani Nicole Cabusas.

Hindi naman malaman kung ano ang kakaharapin na kaso ng nasabing suspek.

Sa ngayon ay isinusulong ang isang panukala na magpaparusa sa mga gumagawa ng fake delivery bookings.

Isa sa mga nakalagay sa batas ay ang pagbabawal sa mga rider na mag abono para sa kanilang mga customer.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular