Friday, September 30, 2022
HomePoliticsBBM-Sara rally sa Capas, Tarlac hindi inaprubahan ni Mayor Reynaldo Catacutan

BBM-Sara rally sa Capas, Tarlac hindi inaprubahan ni Mayor Reynaldo Catacutan

Ikinalungkot ng mga tagasuporta ng tambalan ni presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential bet Sara Duterte ang naging desisyon ng alkalde ng Capas, Tarlac na hindi aprubahan ang kanilang rally na gaganapin sa nasabing munisipalidad.

Sa kanyang Facebook post, ibinalita ni Mayoral candidate TJ Rodriguez ang kanilang hiling na makapag-rally ang tambalang BBM-Sara sa Capas sa darating na Marso 22 na hindi inaprubahan ni Catacutan.

Ayon sa ilang dokyumento na ibinahagi ni Rodriguez sa social media ay makikita na noong Marso 10 pa lamang ay humingi ng ng permiso ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kay Barangay Captain Arturo Joves upang makapag-rally sila sa ‘oval’ ng Barangay Cristo Rey.

Mula sa Facebook post ni TJ Rodriguez

Ipinakita naman na nitong Marso 12 ay binigyan ni Joves ng permiso ang kampo ng BBM-Sara para magamit ang oval para sa kanilang pagtitipon sa 22.

Mula sa Facebook post ni TJ Rodriguez

Ngunit nitong Marso 15 ay may dumating na sulat mula kay Mayor Catacutan at sinabi na gagamitin daw ng kampo ni presidential candidate Leni Robredo ang nasabing venue.

Mula sa Facebook post ni TJ Rodriguez

“We regret to inform you that the Oval Area in Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac is already reserved for the use of the Youth Movement for Leni Robredo on March 22, 2022, from 1:00 P.M. to 12:00 Midnight, which request was already been granted on March 11, 2022.” ani Catacutan sa kanyang liham sa kampo ng PFP.

Humingi naman ng tawad si Rodriguez sa mga umasang tagasuporta ng BBM-Sara sa Tarlac.

“Humihingi po kami ng paumanhin sa libo-libong Capaseños na matagal nang hinihintay ang pagbisita ni President Bongbong Marcos at Vice President Mayor Inday Sara Duterte sa bayan ng Capas.” sabi ni Rodriguez.

Sa kanyang huling Facebook post, ibinahagi ni Catacutan na magkakaroon rin ng Grand Rally si Robredo sa Marso 23.

Ibig sabihin ay binigyan ng alkalde ng dalawang magkasunod na araw ang kampo ni Robredo para sa kanilang pagtitipon.

Magkaribal ngayon sa magkaparehong posisyon si Rodriguez at Catacutan sa pagka-alkalde ng Capas.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang PFP sa ginawa ni Catacutan sa kanila.

Matatandaan na naging kontrobersyal narin ang nasabing alkalde noong 2020 matapos nitong harangin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na mag-quarantine sa New Clark City.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular