Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesRetired Gen. Parlade, hinimok ang mga publiko na suportahan ang ‘revolutionary government’

Retired Gen. Parlade, hinimok ang mga publiko na suportahan ang ‘revolutionary government’

Hinimok ni retired military general Antonio Parlade Jr. ang publiko na suportahan ang pagtatatag ng isang revolutionary government upang tapusin na ang korapsyon na nangyayari sa Pilipinas.

Sa kanyang diyalogo sa People Power Monument kasama ang mahigit 100 indibidwal ay ibinahagi ni Parlade ang kanyang pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Revolutionary Government.

Isa sa mga inirereklamo niyang korapsyon ay ang nangyayari diumano sa Commission on Elections (COMELEC) kung saan ay na-disqualify siya sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Sinabi nito na pinagbabayad daw siya ng COMELEC ng milyon milyong piso upang maisama siya sa listahan ng tatakbo sa pagkapangulo.

“I have personal experience with this, tatakbo ako for this elections sana, pero ayun, kailangan akong magbayad ng ilang milyon para lumusot kami,” ani Parlade.

Bigo naman makakuha ng suporta si Parlade mula sa mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Department of National Defense (DND).

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inutusan niya na ang AFP na wag nalang pansinin ang pinagsasabi ni Parlade.

“Retired General Antonio Parlade’s call for a revolutionary government is part of his guaranteed freedom of speech and expression. However, as Defense Secretary Delfin Lorenzana directed the Armed Forces of the Philippines, the retired general’s call is better left ignored,” ani presidential spokesperson Martin Andanar.

Ito rin ang sinabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Ramon Zagala.

“The 145,000-strong soldiers, airmen, sailors, and marines of the AFP stand solid behind the chain-of-command,” ani Zagala.

“While the AFP respects the people’s freedom of expression, we do not and will not support extra legal means outside the Constitution which we have sworn to protect including the sanctity of the electoral process,” dagdag niya pa.

Si Parlade ay dating commanding general ng Southern Luzon Command at naging spokesperson din ito ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular