Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaLalaki, huli sa pagsasabit ng tarpaulin ni BBM na numero sa balota...

Lalaki, huli sa pagsasabit ng tarpaulin ni BBM na numero sa balota ni Robredo ang nakalagay

Isang lalaki ang sinita ng isang vlogger dahil sa pagsasabit nito ng tarpaulin ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mali ang numero sa balota na nakalagay.

Sa video na ibinahagi ni Wonder Philippines ay makikita ang isang lalaki na may dala dalanng tarp ni BBM na ang nakalagay na numero ay ‘10’ imbis na ‘7’.

“Bat niyo ginawang number ten si BBM e number seven siya? Nalilito ang mga viewers natin.” sabi ng nanitang vlogger.

Mariin namang itinanggi ng lalaki na sila ang may gawa ng tarpaulin at “napulot” lamang daw nila ito.

Matatandaan na ang totoong number 10 sa balota ay ang pinakamahigpit na karibal ni BBM na si presidential bet Vice President Leni Robredo.

Ayon sa vlogger ay nasa daan daan ang isinabit na tarpaulin ng nasabing grupo sa kahabaan ng Nueva Ecija.

Hindi pa malaman kung anong grupo ang nasa likod ng tila panlilito sa mga botante.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Marcos tungkol sa ginawa ng nasabing grupo.

Kasalukuyang nangunguna ngayon si Marcos sa mga survey at malayo ang agwat nito sa kanyang ibang katunggali.

Kaya naman ilang tagasuporta ni Marcos ang naniniwala na baka gumawa ng paraan ang ibang kandidato upang makuha ang boto na para sana sa dating senador.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular