Friday, September 30, 2022
HomePoliticsKampo ni Robredo, bukas daw sa endorso mula kay Duterte: “She will...

Kampo ni Robredo, bukas daw sa endorso mula kay Duterte: “She will welcome it,”

Bukas diumano ang kampo ni presidential bet Vice President Leni Robredo kung sakali na i-endorso sila ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa darating na halalan.

Ito’y ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez.

Tatanggapin daw nila ito kung walang magiging kapalit ang suporta ng Pangulo kay Robredo.

“She said if that happens, she will welcome it provided that it’s not a transactional arrangement. In other words it’s not an endorsement in exchange for something else,” pagbabahagi ni Gutierrez sa CNN Philippines.

“You know, obviously, this is an election. If somebody comes forward and says, ‘I’m going to support you,’ then the response is thank you and move on.” dagdag niya pa.

Matatandaan na isa sa mga mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban ang naniniwala na si Robredo ang susuportahan ni Duterte.

“Based on PRRD’s television interview last Saturday, I get the sense that his heart is for VP Leni,” ani Eastern Samar Governor Ben Evardone.

Itinanggi naman ng Malacañang na may sinusuportahan na sila sa pagkapangulo at nananatili daw na ‘neutral’ ang pangulo.

Si vice presidential candidate Davao City Mayor Inday Sara Duterte pa lamang ang pinakamataas na posisyon sa mga kandidato na ineendorso ng Pangulo.

Hindi pa malaman kung susuportahan din ba ng pangulo ang ka-tandem ng kanyang anak na si presidential candidate Bongbong Marcos na tinawag nitong ‘weak leader’ sa isa niyang pahayag.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular