Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesKakampink si Kitty? Bunso ni Pangulong Duterte sinayaw ang ‘Kay Leni Tayo’...

Kakampink si Kitty? Bunso ni Pangulong Duterte sinayaw ang ‘Kay Leni Tayo’ jingle

Ikinagulat ng mga netizens ang kumalat na video sa social media kung saan ay sumasayaw ang bunso ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica ng jingle ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Nitong Miyerkules, ibinahagi ng mga netizen ang isang video kung saan makikita si Kitty habang sumasayaw sa campaign jingle ni Robredo na ‘Kay Leni Tayo’ kasama ang kanyang mga kaibigan.

Makikita din ang tila paggamit ni Kitty ng ‘Laban sign’ na ginagamit ng Liberal Party.

Itinutok din ang camera sa official family portrait ni Kitty kasama ang kanyang ama at ng ina niya na si Honeylet Avanceña.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang opinyon sa posibleng pagiging pink ni Kitty.

“When I saw the tiktok video of Kitty Duterte using “Kay Leni Tayo” as a background music. I can’t help thinking about how the DDSs who are now full time Marcos-Duterte supporters would take this? I guess they are really confused right now. The DDS civil war is near. Lol.” sabi ni @SirRencee.


“Kitty Duterte posted a video on Facebook showing the colors of BBM and Sara. I checked it myself. Let’s not place our hopes on a Duterte for Leni. If she is indeed a Kakampink, well, we simply have to wait for her to state it directly.” ani @Sevviee.

“Whether this is for clout or not, we can use this for VP Leni’s advantage. Post it on facebook, YouTube, tiktok and here on Twitter sans context. You don’t even have to put a caption like “kitty duterte for Leni”. Just post it. And watch it do magic.” tweet naman ni @call_me_jas0n.

Nilinaw naman ng nagbahagi ng nasabing video na katuwaan lamang daw nila ni Kitty ang nasabing video at hindi kumpirmado na sinusuportahan ng presidential daughter si Robredo.

Matatandaan na nagiging usap usapan sa social media ang posibleng pagsuporta ng Pangulo kay Robredo na anim na taon niyang binatikos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular