Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesDating Pangulong Marcos, nagprisinta na maging ninong ni Sharon Cuneta sa kasal...

Dating Pangulong Marcos, nagprisinta na maging ninong ni Sharon Cuneta sa kasal niya kay Gabby Concepcion

Ibinahagi ng dating publicist ni Sharon Cuneta na si Ed de Leon na mismong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang ‘nagprisinta’ na maging ninong sa kasal ni megastar at ng dati nitong asawa na si Gabby Concepcion.

Kwento ng beteranong entertainment writer, naging supresa sa publiko ang naging kasal ni Sharon at Gabby noong 1984 dahil bigla na lamang itong nawala sa gitna ng kanyang rehearsal para makipag-isang-dibdib sa aktor.

“Hindi dinala ng judge sa civil registry ang documents, dinala niya kay Mayor Cuneta kaya nalaman nito. Wala kaming kaalam-alam,” ayon kay De Leon.

Sa mga panahon na ‘yon ay nagdadalang tao na si Sharon sa kanyang panganay na si KC.

Bago ikasal ang dalawa ay nakatanggap daw ng tawag si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta mula mismo kay Marcos at sinabi na gusto niya na maging ninong ni Sharon at Gabby.

‘O ikakasal pala si Sharon. Bakit hindi ako kinuhang ninong?” kwento ng publicist.

“Sabi ni Mayor, ‘Ay, hindi ho ako nakialam diyan. Sila ang bahala. Sabihin mo ninong ako,’” dagdag niya pa.

Tinotoo ni Marcos ang kanyang pangako at ang dating pangulo mismo ang pumunta sa Manila Cathedral kung saan ginanap ang kasal ni megastar at ni Gabby.

Hindi naman napigilan ni De Leo na malungkot sa mga nangyayari ngayon kay megastar dahil tila unti unti ng nasisira ang imahe nito dahil sa mga post niya sa social media.

Kamakailan lang ay inulan ng batikos si Sharon dahil sa kanyang pagbabawal sa isang senatorial candidate na kantahin ang isa sa mga awitin niya.

READ MORE: Nakakahiya! Sharon Cuneta, ikinabwisit ang pagkanta ni Atty. Sal Panelo sa kanyang awitin: “Don’t mess with a classic!”

“Kung ako ang tatanungin mo, honestly, kung ano ang mga nangyayari ngayon kay Sharon, lahat mali. These are the things which we would not tolerate during our time. But that was our time, lalo na kung buhay pa si Boss Mina, hindi puwede ‘yan,” ani De Leon.

Inamin niya na matataranta siya kung hawak niya parin hanggang ngayon si Sharon.

Sinabi din nito na mas madali ng bumulusok ang imahe ni Sharon ngayon dahil sa naabot niya ang ang rurok ng kanyang kasikatan.

“Ang problema, kapag sumikat ka nang ganoon kasikat, mahirap kasi kapag nandoon ka sa peak mo, the only way is to go down. You cannot go any higher, nandoon ka na sa peak mo. Ang point is how to maintain yourself at the peak,” sabi pa ng publicist.

SOURCE

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular