Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesValentine Rosales, ibinunyag na hindi talaga kaibigan ni Christine Dacera: “You were...

Valentine Rosales, ibinunyag na hindi talaga kaibigan ni Christine Dacera: “You were only a visitor that night”

Ibinunyag ng isa sa mga kaibigan ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera na hindi talaga nila ‘close’ si Valentine Rosales.

Matatandaan na si Rosales ang pinakasikat na personalidad na nasangkot sa Dacera case dahil sa kanyang pagiging aktibo sa paglalabas ng pahayag sa social media.
Muling pinag usapan si Rosales dahil sa kanyang sablay na kwento sa isang kanyang naging karanasan isang convenience store na nabistong sarado na pala.

Dahil dito ay naungkat nanaman ang Dacera case kaya naman ilan sa mga nasangkot dito ay pumalag na sa pinaggagawa ni Rosales.

Valentine kasama ang iba pang mga nasangkot sa Dacera case

Isa dito ay si John Reyes Dela Serna na sinabing bisita lamang daw si Rosales sa party na huling dinaluhan ni Dacera bago ito makitang wala ng buhay sa loob ng kanyang hotel room.

Ayon kay Dela Serna ay matagal siyang nanahimik ngunit hindi niya na palalampasin pa si Rosales lalo na’t sumikat nanaman ito sa social media dahil sa sablay niyang kwento.

Hinimok niya si Rosales na tumahimik na dahil nauungkat nanaman ang kanilang namayapang kaibigan sa isyu.

“Firstly, if you’re enjoying the clout while being bashed by so many people around you, then so be it. But don’t use the fame that you’ve got from the bad incident that happened before cause in reality you do not belong to the real circle of friends, you were only a visitor that night.” ani Dela Serna.

“Everyone is now at peace and we’re getting busy with our own lives by moving forward. If creating stories or rumors is your hobby in life just for you to be noticed please don’t use the dacera case cause our friend is at peace.” dagdag niya pa.

“She’s not your friend just to reiterate. Stop being a famewhore because again you only got noticed by people in a bad way at tatagalugin ko hindi sya magandang image kasi may taong NAMATAY itatatak mo yan sa brain mo.”

Tinawag ding “cheaap” ni Dela Serna si Rosales dahil sa pinagsasabi nitong istorya.

Sa kanyang Facebook post nitong nakaraang mga araw ay ikinuwento ni Rosales ang diumano’y enkwentro niya sa isang tagasuporta ng isang kandidato na hindi diumano nagbayad ng kanyang kinuhang inumin.

READ MORE: “Barbero? Netizen na Kakampink, pinuna dahil sa kwentong 7-11 niya: “Closed na po yung 7-11 Alimall Cubao”

Sinabi naman ni Rosales na hindi na siya magpapaliwanag pa sa nasabing isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular