Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesValentine Rosales, nagsalita matapos tawaging 'barbero' dahil sa kwentong 7-11 niya: "We...

Valentine Rosales, nagsalita matapos tawaging ‘barbero’ dahil sa kwentong 7-11 niya: “We make mistakes”

Nagsalita na si Valentine Rosales ilang araw matapos siyang ulanin ng batikos mula sa mga netizens dahil sa tila paylado niyang kwento tungkol sa naging karanasan niya sa isang branch ng 7-11.

Sa kanyang Facebook post nitong Marso 15, ibinahagi ni Rosales ang isang tip sa mga netizens kung bakit tila hindi na siya apektado ng pambabatikos na natatanggap niya ngayon.

Ayon sa kanya ay mas marami na siyang naranasan na mas malalang sitwasyon at wala na daw mawawala sa kanya dahil sa nawala na daw talaga ang lahat sa kanya.

“I just smile and accept that this world is cruel and if I get affected easily and feel each and every criticism I would only drown myself to sadness. I no longer feel sadness because I’ve already been through my worsts and lost everything.” ani Rosales.

“You can no longer lose if you already lost everything. People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore. Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose. I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn.” dagdag niya pa.

Matatandaan na napansin ng mga netizens na tila may kakaiba sa kwento ni Rosales dahil sa matagal na palang sarado ang branch na binabangit niya.

Sinubukan naman niya itong itama ngunit hindi na naniwala ang mga netizens sa kanya.

Biro pa nga niya ang napagkaisa niya ang mga netizens dahil sa post niya.

“Establishing Unity between BBM x Kakampink in just 1 post,” sabi niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular