Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedToni Gonzaga, pinasaringan ang mga kritiko: "Hindi uso satin ang cancel culture"

Toni Gonzaga, pinasaringan ang mga kritiko: “Hindi uso satin ang cancel culture”

Tila pinasaringan ng television host na si Toni Gonzaga ang mga kritiko niya sa kanyang talumpati sa campaign rally ng UniTeam sa Las Piñas.

Matatandaan na inulan ng batikos noon si Toni dahil sa kanyang pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos na umabot pa sa pagre-resign niya sa kanyang programa na Pinoy Big Brother (PBB).

May ilan na nangako na hindi na nila papanoorin pa ang kahit anong show ni Toni, habang ang ilan ay hinimok ang mga kumpanya na wag kunin ang television host bilang endorser.

Hindi nagsalita ang television host sa mga pambabatikos na kanyang natanggap kaya naman tinawag siya ng ilan na ‘Unbothered Queen’ ng kanyang mga fans.

Ngunit sa kanyang pagsasalita sa nasabing event nitong March 13 ay tila nagparinig na ang host sa mga bumabatikos sa kanya.

“Alam niyo po tuwang tuwa po ako kapag nakakasama ako sa rally ng UniTeam,” ani Toni. “Dahil ang UniTeam supporters, hindi uso satin ang cancel culture,”

“Ang buhay na buhay sa UniTEam ay ang Filipino culture,” dagdag niya pa.

Ayon kay Gonzaga ay mas nananaig daw sa mga tagasuporta ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte ang pagiging mapagmahal, matulungin at mapagkaisa.

Sinabi naman ng host na ang lahat ng kandidato ng UniTeam ay mapagkumbaba kaya naman lalong tumataas ang popularidad ni Marcos.

Naging usap usapan sa social media ang pagho-host ni Toni sa UniTeam lalo na ang kanyang pag awit ng ‘Titanium’ at ‘Roar’.

Hindi pa kinukumpirma ni Toni kung para nga ba sa mga kritiko niya ang nasabing mensahe.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular