Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsPaano na si Kiko? Mga Kakampink, kinontra ang posibleng tambalan ni Leni...

Paano na si Kiko? Mga Kakampink, kinontra ang posibleng tambalan ni Leni Robredo at Sara Duterte

Pinalagan ng mga ‘Kakampink’ ang isinusulong ngayon na tambalan sa pagitan ni Vice President Leni Robredo at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Matatandaan na nag trending ang “Leni Sara” sa Twitter ntong Marso 14 matapos i-endorso ng Gobernardor ng Eastern Samar na si Ben Evardone si Robredo sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Isa si Evardone sa mga pinakamataas na opisyal ng PDP-Laban kaya naman hindi naiwasan na isipin ng mga netizen na maaring si Robredo ang suportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na itong isinulong ni Albay Rep. Joey Salceda at sinabi na hindi naman masama na manalo ang dalawa dahil sa magkaibigan ito.

Hindi naman daw papayag ang mga Kakampink na maging Vice President ni Leni si Duterte dahil sa mga nakaraang pahayag ng mayora laban sa bise.

Ayon sa kanila ay mas pipiliin nila na manalo ang totoong ka-tandem ni Robredo na si Sen. Kiko Pangilinan.

“They’re pushing Leni-Sara tandem para masecure ang VP spot kay Sara. No freaking way it would happen. Leni-Kiko all the way po.” ani @amrdrgz.

“Why do I feel like they’re doing this to push the Leni-Sara tandem and then eventually depose Leni from the office to make way for Sara? KAKAMPINKS LETS GIVE KIKO MORE EXPOSURE WE CANT HAVE ANOTHER DUTERTE IN THE OFFICE!!” sabi naman ni @titaclauds.

“I will vote for Kiko Pangilinan not because he is the running mate of VP Leni Robredo. He is the most qualified candidate for vice president becayse of his proven track record, competence and integrity. Leni-Sara is not an option.” opinyon naman ni @jseecustodio.

May ilang tagasuporta naman ni Duterte ang sinabi na ginagamit lamang ng ilang tagasuporta ni Robredo ang mayora para makakuha ng karagdagang boto.

“As a Duterte supporter since 2016, I feel validated seeing these Leni supporters scramble for support. First they talked to Pacquiao to withdraw, then to Ping, now they’re pushing for Leni-Sara just to get votes from DDS? Hahahhaha,” tweet ni @QMotherGothel.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Robredo at Duterte sa isinusulong na tambalan sa kanila.

Matatandaan na may ilang grupo din sa Mindanao ang ipinapares si Duterte sa isa pang presidential candidate na si Manila City Mayor Isko Moreno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular