Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedNetizen na nagpakilalang kumuha sa aerial shot sa rally ng Kakampink sa...

Netizen na nagpakilalang kumuha sa aerial shot sa rally ng Kakampink sa Isabela, sinabing 5-8k lang ang estima niya na dumalo: “Saan nila nakuha yung 40k?”

Hindi makapaniwala ang nagpakilala photographer na kinomisyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo na umabot ng mahigit 10,000 ang dumalo sa campaign rally nito sa Isabela.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Philip Cadabuna na siyang official media documentary officer ng Munisipalidad nila sa Isabela na hindi siya naniniwala sa mga report na umabot ng 10,000 hanggang 40,000 na katao ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Ayon kay Cadabuna ay maari lang umabot ng 4,000 hanggang 5,000 ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Nilinaw niya na hindi rin siya naninira kundi sinasabi lamang ang katotohanan.

Eto ang buong post ni Cadabuna:

“This photo was mine. I was hired by team vp leni/Kiko for Facebook live feed coverage I was also the official media documentary officer of our municipality under informations office. This shot was taken for our municipal record for crowd check.” sabi ng photographer..

“We always di this shot kasi sanay naman kami mag host and magkaron ng malaking festival dito sa amin. I don’t have any intention to destroy or what so ever. Ang akin lang din dito is yung katotohanan. How could I report if I don’t have the actual crowd estimated shot. One thing more numbers Don’t lie. My report was estimated 4k to 5k person ang nasa municipal ground. I don’t know kung saan nila kinuha ang 10k, 20k, 40k na inerereport nila.” dagdag niya pa.

Nilinaw naman ng grupong Robredo’s People Council – Isabela na hindi galing sa mga organizer ng nasabing pagtitipon ang mga numerong kumalat sa social media.

“Ang crowd estimate ay mula sa lokal na pulisya. Ayon sa Chief of Police ng Isabela, nasa 10,000 katao ang dumalo. Ang kapulisan ito ay hindi lamang nakapwesto sa iisang lugar.” sabi ng nasabing

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular