Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsManny Pacquiao hindi kumbinsido sa mga resulta ng survey: “Hindi nila tinanong...

Manny Pacquiao hindi kumbinsido sa mga resulta ng survey: “Hindi nila tinanong yung mahihirap”

Hindi naniniwala si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao sa mga lumalabas na resulta ng mga survey kung saan ay mababa ang nakuha niyang puntos.

Nitong Marso 14, sinabi ng pambansang kamao na hindi siya nababahala sa mababang posisyon niya sa mga survey katulad ng Pulse Asia.
Ayon sa kanya ay malalaman lamang ang tunay na resulta ng eleksyon sa Mayo pagkatapos ng bilangan kung sino nga ba talaga ang pinili ng taumbayan.

Baka nga raw hindi tinatanong ang mga mahihirap sa nasabing survey kundi ‘yung mga mayayaman lamang.

“Sino kaya maniwala doon? Dapat tinanong nila yung mga ano, baka yung mga mayayaman lang tinanong nila. Hindi nila tinanong yung mga mahihirap na tao,” ani Pacquiao.

Ibinigay na halimbawa ni Pacquiao ang nangyari noong 2016 election kung saan ay nangunguna sila dating DILG Sec. Mar Roxas at Sen. Grace Poe sa mga survey ngunit natalo sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kahit zerohin pa nila ako sa Luzon, Visayas, Mindanao, hindi pa rin ako matitinag,” aniya. “Ano yan, mind-conditioning sa taumbayan.”

Ngunit sa ilang data ay makikita na nanguna si Duterte sa mga huling survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS bago ang halalan.

Nakalagay din sa mga survey kung na halo ang mga antas ng pamumuhay ng mga tao na kanilang tinatanonng at hindi lang mayayaman ang kanilang kinakausap.

Matatandaan na nangunguna ngayon sa survey si dating Senador Bongbong Marcos na nakakuha ng 60 porsyento sa Pulse Asia survey habang 8 puntos lamang ang nakuha ni Pacquiao.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular