Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedMalacañang itinanggi na inendorso ni Pangulong Duterte si VP Robredo: "

Malacañang itinanggi na inendorso ni Pangulong Duterte si VP Robredo: “

Nilinaw ng Malacañang na hindi ineendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na umugong ang balita na maaring suportado ni Duterte ang pambato ng oposisyon dahil sa sinabi nito sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy na sana’y ang susunod na maging presidente ay isang ‘abogado’ katulad niya.

Isa si Robredo sa mga abogado na tumatakbo ngayon sa pagkapangulo.

Isang mataas na opisyal din ng PDP-Laban ang piniling suportahan ang kandidatura ni Robredo.

Ngunit sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na wala pang ineendorso si Duterte para sa halalan.

“There’s no endorsement coming from the President for Vice President Leni Robredo to be elected as president,” ani Matibag sa panayam sa kanya ng ANC Headstart.

“He mentioned general standards of what the next president should have. It so happened that dalawa lang sila na kandidatong lawyers,” dagdag niya pa.

Maliban kay Robredo ay isa pang abogado ang tumatakbo sa pagkapangulo at ‘yun ay si Dr. Jose Montemayor Jr.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular