Home Celebrities Direk Manny Castañeda, ibinahagi ang anim na rason kung bakit hindi niya iboboto si Robredo sa eleksyon

Direk Manny Castañeda, ibinahagi ang anim na rason kung bakit hindi niya iboboto si Robredo sa eleksyon

0

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ng batikang direktor na si Manny Castañeda kung bakit hinding hindi niya iboboto si Vice President Leni Robredo sa halalan.

Sa kanyang mahabang Facebook post, sinabi ni Castañeda ang anim na rason kung bakit hinding hindi niya iboboto ang bise.

Ilan dito ay ang pagiging dikit ni Robredo sa pamilya Aquino at sa Liberal Party, ang pagkampi diumano ng bise sa mga komunista, ang pagtakbo nito dahil lamang sa ayaw niyang manalo si Bongbong Marcos at ang personalidad nito.

Eto ang buong post ni Castañeda:

“1. Wala akong tiwala sa politiko na may anino ng mga Aquino. Kahit baguhin man ang kulay ng kaniyang grupo o partido, alam ng lahat na sila ay mga Dilawan pa rin. Nasa ilalim pa rin sila sa insignia ng Liberal Party. Wag nilang iisipin na uto-uto ang mga tao para maniwala sa kanilang panlilinlang. Kung bakit ayaw ko sa mga Aquino, ibang topic na po yun.

2. Si Leni Robredo ay isang communist symphatizer. She has shown this on many occasions kaya hindi po ito fake news. Ang mga komunista ay isa sa mga puno’t dulo ng gulo dito sa Pilipinas kaya ayaw ko sa mga komunista, ayaw ko sa mga leftists at ayaw ko rin kahit sa mga symphatizers lamang. Lahat ng mga yan ay salot ng bayan.

Ang mga komunista ay kalaban ng bayan, no ifs or buts. Their main objective is to take over government kaya hindi rin sila dapat pinagkakatiwalaan. At hindi ko pakakatiwalaan ang sino mang makikipag-ugnayan sa mga komunista.

3. Sinabi ni Robredo na handa siyang tumakbo sa pagka pangulo para tapatan si Bongbong Marcos. Apparently, hindi pala para sa bayan. It may have just been a Freudian slip but is definitely reflective of her TRUE feelings and intentions. Galit kay Bongbong ang umiral, hindi ang pagmamahal sa bayan.

4. She is incompetent! Her very low performance and satisfaction ratings are proof of this. No further explanation needed.

5. Like Mar Roxas, ang hilig niyang umepal which is a big turnoff.

Her term as VP is dotted with cheap and sometimes even disgusting gimmickries with the intention of enhancing or improving her image but fails every step of the way. Obvious naman na kaplastikan lahat yun.

Lately ay lagi niyang ipinamamalaki sa mga rallies na siya ang unang government officials na dumadating sa mga disaster areas. Bakit? Dapat ba may karera ng mga government officials papunta sa mga disaster areas? Ganun ba ang labanan?
The fact is, ang unang dumadating ay ang mga tauhan ng DSDW as ordered by the president and part of the protocol of the National Disaster Risk Reduction and Manange Council.

So, bago pa man din dumating si Robredo ay na-organize na ang relief operations ng government. Then, tsaka pa lamang sisipot si Robredo, bitbit ang sangkatutak na media at magpapapicture habang namimigay ng konting ganito at konting ganyan.

6. Kapansin-pansin din na “substandard” ang intellectual capacity ni Robredo para maging pangulo. To make a long story short, mahirap para sa akin na tanggapin ang isang pangulo na hindi nalalaman ang pagkaiba ng nerve sa vein.

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko kay Leni Robredo. Tsaka na ang iba at hahaba lang ang usapan.

To be honest, hindi pa po ako fully decided kung sino ang dapat kong iboto. Mayroon na po ako napupusuan pero ipaubaya nyo muna sa yun akin, pinag-aaralan ko pa rin ng mabuti.

Dapat tandaan, isa lang ang ating boto kaya dapat tama ang pipiliin natin. Pero sigurado akong ayaw ko kay Robredo. At wag na po natin isali sa usapan si Pacquiao. Matagal ko na siyang binura sa listahan.”

Sa ngayon ay nasa 13,000 reactions na at 4,700 shares ang nasabing post.

Wala pang tugon ang kampo ni Robredo sa banat sa kanila ni Castañeda.

Facebook Comments