Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesXian Gaza, sinabi na hindi daw totoong Kakampink si Valentine Rosales: "Under...

Xian Gaza, sinabi na hindi daw totoong Kakampink si Valentine Rosales: “Under siya sa payroll ng kalaban”

Naniniwala ang internet celebrity at self-confessed scammer na si Christian Albert “Xian” Gaza na hindi totoong tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo si Valentine Rosales.

Matatandaan na nag-viral si Valentine sa social media dahil sa kanyang kwento sa isang branch sa 7-11 na nadiskubre ng mga netizens na matagal na palang sarado.

Isa si Xian sa mga nag imbestiga kung totoo nga ba ang istorya ni Valentine at napatunayan niya na hindi ito totoo.

Ngunit sa panibago niyang post sa social media ay sinabi ng internet celebrity na binabayaran daw ng kalaban ni Robredo si Valentine upang gumawa ng nakakatuwang kwento para sirain ang imahe ng mga ‘Kakampink.

“THIS GUY IS NOT A LEGITIMATE KAKAMPINK. UNDER SIYA SA PAYROLL NG KALABAN. THIS ENTIRE 7-ELEVEN DRAMA IS JUST A BLACK PROPAGANDA AGAINST LENI’S CAMPAIGN. IT’S A MASTERPLAN. IT’S THE BRAINCHILD OF SOMEONE I KNOW. NIRECRUIT NILA ANG TAONG ITO TWO WEEKS AGO KAPALIT NG PERA AT MASSIVE EXPOSURE.” ani Gaza.

“ANG PLANO AY MAGPAPANGGAP ANG SUBJECT AS KAKAMPINK TAPOS MAGPO-POST SIYA NG PICTURE WITH LENI’S TUMBLER AND PINK DAMIT. GAGAWAN NILA ITO NG KWENTONG BARBERO CAPTION AT SASADYAIN NA MARAMING EDITS PARA MAWALAN NG CREDIBILITY ANG POST AT MAGING KATAWA-TAWA AND VERY VULNERABLE TO BASHING.” dagdag niya pa.

Eto daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin binubura ni Valentine ang kanyang mga post.

Sabi rin niya na mayroon siyang nalaman na ‘black propaganda masterplan’ laban kay Robredo.

Ibinahagi din ni Xian ang litrato ni Valentine kasama si senatorial candidate Salvador Panelo na kilala ka-alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na kumalat na ang nasabing litrato noong nakaraang taon matapos nilang bisitahin si Panelo upang humingi ng legal advice.

“We went to Sec. Panelo after calling us prior to our hearing earlier for legal advice only. He also shared he is an ally of the LGBTQ+ community and he believes that every individual is entitled to their own equal rights regardless of their gender identity, race, status, educational attainment, etc.,” paliwanag ni Valentine..

“He also expressed his thoughts about running for the Senate and we took pictures. We’re not DDS (Diehard Duterte Supporters). We’re not Dilawan either,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular