Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesPanelo, bukas sa sariling version ng "Sana'y Wala Nang Wakas" ni Sharon:...

Panelo, bukas sa sariling version ng “Sana’y Wala Nang Wakas” ni Sharon: “Baka i-record ko sa Viva Records”

Bukas si senatorial candidate at dating presidential spokesperson Salvador Panelo na gumawa ng sariling bersyon niya ng “Sana’y Wala Nang Wakas” na orihinal na kinanta ni megastar Sharon Cuneta.

Sa panayam sa kanya ng News5, sinabi ni Panelo na palagi niya namang kinakanta ang nasabing awitin dahil ito daw ang isa sa mga pinakapaborito niyang kanta.

Naniniwala si Panelo na kung alam niya lamang na kinakanta niya ito para sa namayapa niyang anak na si Carlo na mayroong Down Syndrome ay maaring hindi magalit ang megastar sa kanya.

Kinakanta niya rin ito upang alalahanin ang kanyang anak na si Carlo na matatandaan na namayapa noong 2017.

Sinabi niya rin na mayroon siyang permiso mula sa Viva Records na siyang humahawak ng kanta ni Cuneta.

“Palagi kong kinakanta ang “Sana’y Wala Nang Wakas”. Ako ay may permiso sa Viva Records. Pangalawa, kaya ko kinakanta ‘yun para parangalan ang anak ko. Naalala ko siya evertime I sing it and also to pay homage to Sharon [Cuneta] and Willy Cruz sila ‘yung kumanta niyan,” ani Panelo.

Dahil sa patuloy niya parin itong kinakanta kahit na sinita na siya ni megastar ay plano niya na gumawa ng ‘single’ na sarili niyang bersyon ng kanta ni Cuneta.

“Actually, baka i-record ko sa viva records,” bunyag ni Panelo.

Nagpapasalamat din si Panelo kay Cuneta dahil sa napagusapan ng mga netizens ang mga person with special needs dahil sa nasabing isyu.

Wala pang komento ang megastar sa plano ni Panelo na gumawa ng sarili niyang bersyon ng kanyang awitin.

Matatandaan na tinawag na “nakakahiya” ni Cuneta ang pagkanta ni Panelo ng kanyang sikat na awitin.

“Nanang ko pls lang nakakahiya naman samin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic.” ani Cuneta sa kanyang ngayo’y burado ng post.

“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy, nakakahiya naman samin! Kinilabutan ako in a bad way!” dagdag niya pa.

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular