Friday, September 30, 2022
HomePoliticsKiko Pangilinan, hinalintulad ang pagpunta sa mga debate sa "panliligaw" niya kay...

Kiko Pangilinan, hinalintulad ang pagpunta sa mga debate sa “panliligaw” niya kay Sharon

Naniniwala si vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan sa importansya ng pagdalo sa mga debate para sa mga gustong maging lingkod bayan.

Ito’y sa gitna ng balita na hindi dadalo sa mga Commission on Elections (COMELEC) sponsored-debate ang nangungunang tandem sa mga survey na sila presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte .

Sa ulat ng News5, inihalintulad niya ang pagpunta sa debate sa panliligaw niya noon kay megastar Sharon Cuneta kung saan ay lagi niyang binibista ang mga magulang nito na sina dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta at Elaine Gamboa.

Noong nililigawan ko si Sharon (Cuneta), kinailangan kong magpakita kina Mayor Ambo at Mommy Elaine upang ipaliwanag ang aking intensyon sa kanilang anak,” ayon sa senador.

“Ganiyan dapat ang gawin ng ahat ng mga kandidato. Ipakita ang kanilang intensyon sa kanilang nililigawan,” dagdag pa niya.

Samantala ay kahit na hindi dumadalo ang tambalang Marcos-Duterte sa mga debate ay nananatiling mataas ang kanilang tsansa sa mga survey na makuha ang matamis na “oo” ng mga botante.

Sa kasalukuyang survey ay umabot ng 60% ang puntos ni Marcos habang si Duterte ay nasa 53% ang nakuha.

Matatandaan na naging usap-usapan din sa social media ang asawa ni Pangilinan dahil sa kanyang mga sinabi laban sa isang senatorial candidate na kumanta ng kanyang awitin.

Hindi naman malaman kung makakaapekto ang isyu na kinakaharap ng kanyang asawa sa tsansa niya na makuha ang ikalawang pinakamataas na pwesto sa bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular