Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesDating Eat Bulaga host Chuchay Guevarra, may mensahe kay Sharon Cuneta: “Nakita...

Dating Eat Bulaga host Chuchay Guevarra, may mensahe kay Sharon Cuneta: “Nakita na ng lahat ang tunay mong ugali!”

Hindi nakapagpigil ang dating host ng noontime show Eat Bulaga na si Gladys ‘Chuchay’ Guevarra na banatan si ‘Megastar’ Sharon Cuneta dahil sa pagbabawal nito sa senatorial candidate na si Salvador Panelo na kantahin ang kanyang mga kanta.

Matatandaan na kinanta ni Panelo ang kanta ni Cuneta na “Sana’y Wala Nang Wakas” na hindi naman nagustuhan ng megastar.

Ngunit paliwanag ni Panelo ay kinakanta niya lamang ang awitin ni Cuneta dahil naalala niya ang kanyang namayapang anak na si Carlo na mayroong Down Syndrome.

Tila naka-relate naman si Guevarra sa sitwasyon ni Panelo dahil mayroon din siyang kamag anak na may Down Syndrome at ang anak niya ay mayroon namang Autism.

“Bilang may pinsan at pamangkin akong may Down Syndrome, may pamangkin din ako at may anak akong may Autism sinasaluduhan at nire-respeto ko si Senator Panelo hindi sa kahit anu pa mang political reasons, Pero sa pagiging Amazing father nya.” ani Guevarra.

Nanghinayang naman siya sa tila pagkasira ng imahe ni Cuneta na iningat ingatan niya ng ilang dekada dahil sa politika.
Dahil daw dito ay nakita na ng mga netizens ang totoong ugali ng megastar.

“Sayang yung ilang dekadang binuo mo at pinakaingatang magandang imahe, sinira mo lang sa iisang nakakadiring post at negative reaction mo sa ginawang pag awit ni Senator Panelo sa kanta na sinasabi mong dapat ipinaalam sayo.” sabi pa ng dating host.

“I used to have so much respect sayo Mega, bilang mang aawit din ako. Ngayon, malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali…” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Cuneta sa mga pambabatikos na kanyang natanggap.

Matatandaan na binura na ng megastar ang kanyang post laban kay Panelo at sinabi na ‘good vibes’ na lamang ang ibabahagi niya sa social media.

Samantala ay hindi naman daw nabawasan ang respeto ni Panelo sa megastar at mananatili parin siya na isang ‘Sharonian’.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular