Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesBranch ng 7-11 sa kwento ni Valentine Rosales, kumpirmadong sarado na

Branch ng 7-11 sa kwento ni Valentine Rosales, kumpirmadong sarado na

Ilang netizens ang kinumpirma na sarado nga ang branch ng 7-11 kung saan nangyari ang viral na kwento ng internet celebrity na si Valentine Rosales.

Sa ilang post sa social media, sinubukan ng ng mga netizens na silipin sa mismong website ng 7-11 ang lagay ng branch nila sa Alimall Cubao kung saan daw bumili ng chips, korean noodles at inumin na may cup na may mukha ni presidential candidate Leni Robredo.

Kapag hinanap sa google ang nasabing branch ay sinasabi na sarado na ito.

Kahit ang mismong store locator ng 7-11 ay sinasabing sarado na ang nasabing branch.

May isang netizen din na kinuhanan pa ng litrato ang kasalukuyang lagay ng alimall branch at makikita na balot na ito ng papel indikasyon na sarado na ito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Valentine tungkol sa kritisismo na natatanggap niya.

Matatandaan na nag viral sa social media si Valentine dahil sa kwento niya tungkol sa karanasan niya sa nasabing branch.

Ngunit ng mapansin na ng mga netizens na sarado na ang nasabing mall ay iniba niya ang branch kung saan nangyari ang kwento niya.

“May pumasok na lalaki, ang sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso.” ani Valentine. “Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito. Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad. Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot.”

“Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular