Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesBarbero? Netizen na Kakampink, pinuna dahil sa kwentong 7-11 niya: “Closed na...

Barbero? Netizen na Kakampink, pinuna dahil sa kwentong 7-11 niya: “Closed na po yung 7-11 Alimall Cubao”

Pinag-uusapan muli ngayon ang isa sa mga sangkot sa kaso ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera na pinag usapan ng mga netizens noong 2021.

Ito’y hindi dahil sa kaso na kinakasangkutan niya kundi sa kwento niya tungkol sa pagsali niya sa promo ng convenience store na 7-11.

Matatandaan na mayroon ngayong “cup poll” ang nasabing convenience store.

Ayon sa kwento ni Valentine Rosales, mayroon daw isang customer na hindi nagbayad sa binilhan niyang 7-11 branch sa Alimall Cubao.

Kumuha daw ito ng inumin at ang kinuha pa nitong cup ay yung kay presidential candidate Bongbong Marcos.

“May pumasok na lalaki, ang sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso.” ani Valentine. “Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito. Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad. Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot.”

“Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh.” dagdag niya pa.

Dahil dito ay si Valentine na daw ang nagbayad ng kinuhang tumblr ng lalaki bilang pagmamagandang loob.

“Natawa si Kuya sabi niya magnanakaw talaga tas natawa din tuloy ako at sinabi ko hayaan mo na kuya, ako nalang po mag babayad nung tumbler na yun. Sabi ni kuya salamat sir samin kasi yun ma charge eh. Sabi o magkano ba? 35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw,” sabi pa ni Valentine sa post niya.

“Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier #kakampink,” dagdag pa niya.

Nag viral sa social media ang nasabing post ni Valentine.

Ngunit may ilang netizens na may nakapansin na mayroong mali sa kwento niya.

Ayon kasi sa nagpakilalang trabahador ng 7-11 Alimall Cubao, matagal ng sarado ang nasabing convenience store.
Dahil dito ay bigla na lamang inilipat ni Valentine ang branch kung saan nangyari ang kwento niya.

Ilang netizens naman kasama na si Xian Gaza ang di napigilan magbigay ng kanyang komento sa kwento ni Valentine.

“Alamo… maka-Leni sana ako eh. Pero after ko mabasa yung kwentong barbero mo sa 7-Eleven na grade 3 lang ang maniniwala, baka mag BBM na lang pala ako. Nakakahiya eh.” sabi ni Xian kay Valentine.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular