Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesPerformance ni Toni Gonzaga sa rally ng BBM-Sara pinuna ng mga nasa...

Performance ni Toni Gonzaga sa rally ng BBM-Sara pinuna ng mga nasa Twitter: “Hindi yan yung type of songs your audience enjoys,”

Umabot na ng mahigit 1-M views ang video ng performance ni Toni Gonzaga sa campaign rally ng tambalang Ferdinand “Bonbong” Marcos at Sara Duterte sa Sta. Rosa Laguna nitong Marso 11.

Sa nasabing video ay maririnig ang pagkanta ni Toni ng “Titanium” sa harap ng mga tagasuporta ng nasabing tambalan.

“Kaisa po ako sa inyo na sumusuporta at nagmamahal sa UniTeam,” ani Toni matapos niyang kantahin ang nasabing kanta na orihinal na likha ng  French DJ at music producer na si David Guetta.

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na punahin ang reaksyon ng mga manonood kay Toni sa nasabing rally dahil tila wala man lang daw ‘energy’ ang mga ito.

Ayon kasi sa ilang netizens ay hindi naman daw relate ang mga audience sa kinanta ng television host dahil sa madami daw sa mga pumunta sa nasabing rally ay matatanda na.

“When will you realize hindi yan yung type of songs your audience enjoys. Nasa maling crowd ka. Read the room.” ani @alexabarnardog.


“Sana ung mga kinakanta ni Toni same ng age range ng mga nasa BBM rally can’t relate sila. Matatanda na yung mga nanjan. Try niya mga pang 70s to 90s.” opinyon ni @krssmye.

“Energy yarn?” tweet naman ni @_just_sayin___

May ilan naman na pinagkumpara ang energy ng mga pumunta sa rally ng katunggali ni Marcos na si presidential candidate Vice President Leni Robredo sa audience ni Toni.

Wala pang pahayag si Toni sa kritisismo na kanyang natanggap mula sa mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular