Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedPangulong Duterte, nagbabala sa kampihan sa pagitan ng 'komunista' at 'dilawan' ngayong...

Pangulong Duterte, nagbabala sa kampihan sa pagitan ng ‘komunista’ at ‘dilawan’ ngayong halalan

Hindi maiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-alala sa natatanggap nilang intelligence reports tungkol sa diumano’y posibleng alyansa sa pagitan ng mga miyembro ng oposisyon at mga komunistang rebelde sa darating na halalan.

Sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado, Marso 12 ay sinabi ni Duterte na kinakatakot niya ang kampihan sa pagitan ng ‘dilawan’ at mga ‘komunista’ na itinuturing na ngayong teroristang grupo.

“What I really am afraid of is the report of the intelligence community…There’s a parang grouping of the communists, itong mga dilawan, pati itong mga — may isa pa, mga… Well, of course itong komunista is already a terrorist organization,” ani Duterte.

“So mga dilawan, that’s a… I forgot the other one. Iyan ang ano namin, diyan ang ano ng gobyerno. They are watching for that kind of situation,” dagdag niya pa.

Dahil daw sa posibleng kampihan na ito ay maari daw gumamit ng dahas ang mga komunista upang makontrol ang eleksyon.

“They might be… Iyon ang sinabi ko na puwedeng manggulo kasi they have these working relations now with — with the dilawan and the election is the objective really,” sabi pa ng Pangulo.

‘Dilawan’ ang tawag sa mga miyembro ng oposisyon noon dahil sa kulay dilaw ang kanilang suot.

Ngunit sa ngayon ay tila lumipat na ang ilang ‘dilawan’ sa kulay pink na ginagamit ngayon ni presidential candidate Leni Robredo.

Matatandaan na inilahad ni Cavite 7th District Boying Remulla na may ilang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumasama sa mga campaign rallies ni Robredo.

Ito rin ang ikinakabahala ni presidential candidate at Sen. Ping Lacson na nakatanggap din diumano ng kaparehong impormasyon mula sa kanyang mga sources.

Wala pang tugon ang kampo ni Robredo sa sinabi ng Pangulo.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular