Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedNagpakilala tropa ng ‘Colonel’ inulan ng batikos dahil sa pang-aaway sa...

Nagpakilala tropa ng ‘Colonel’ inulan ng batikos dahil sa pang-aaway sa delivery rider

Tila naging sariwa ulit sa mga netizens ang dating pulis na si Jonel Nuezca at ng anak nitong babae sa katauhan ng isang nagpakilalang colonel.

Sa social media ay pinag uusapan ngayon ang isang lalaki na nagpakilala bilang tropa ng mga pulis at ang kanyang anak na nakikipagtalo sa isang delivery rider.

Nag-umpisa silang pag usapan sa social media matapos i-post ni netizen Anthony Antonio ang isang video na magpapatunay ng pagmamalupit ng mag-ama sa delivery rider.

Nagtalo ang magkabilang panig dahil sa mali lamang ang naka-pin na address ng mag-ama.

Maririnig din ang babae na pinapatahimik na lamang ang delivery rider at dapat ay umalis na lamang ito.

Sinabi din nito na marami silang kakilalang opisyal at tinawagan pa nga daw ng kanyang ama ang isa sa mga kaibigan niyang colonel para aksyunan ang delivery rider.

Hindi naman napigilan ng delivery rider ang sama ng loob niya dahil tila minaliit siya ng mag-ama.

“Meron talagang mga tao na akala nila ay nabili na buong pagkatao mo dahil sa mayaman sila!!!..oo delivery rider lang po kami pero di nyo po kami pweding saktan at sabihan ng masasakit na salita!..,ang trabaho lang po namin ay maghatid ng mga order nyo kaya sana wag nyo po kaming mumurahin!..,wala rin pong mali sa mga sinabi ko sa inyo!..tapos may tinatawagan pa kayong pulis?!!.,di nman po ako kriminal..mataas po respeto ko sa mga taong kailngan respetuhin pero kayo wala po kayong karapatan respetuhin ng ibang tao dahil sa napakasama nyong ugali!!!” sabi ng delivery rider.

“Delivery fee lang po ang binabayaran ninyo hindi po ang pagkatao namin!!!..” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga otoridad kung totoo nga bang may koneksyon sa mga katungkulan ang nasabing lalaki.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular