Monday, October 3, 2022
HomePoliticsManny Pacquiao nangako na maglalaan ng P400-B kada taon para sa libreng...

Manny Pacquiao nangako na maglalaan ng P400-B kada taon para sa libreng pabahay sa mahihirap

Nangako si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao na maglalaan siya ng bilyon bilyong piso upang bigyan ng libreng pabahay ang mga mahihirap.

Ito ang sinabi ni Pacquiao sa kanyang pakikipagkita sa mga tindero ng tahong at talaba sa Cavite nitong Sabado, kung saan ay ibibigay niya daw ang mga pabahay sa mga wala pang tirahan at doon sa mga nagrerenta.

Naniniwala ang pambansang kamao na ang kanyang libreng pabahay ay malaki ang maitutulong sa ekonomiya dahil sa dami ng trabaho na maipapamahagi nito.

Kayang kaya daw itong pondohan kung matatapos daw niya ang korapsyon dahil magbibigay daw ito ng P700B hanggang P1-B sa kaban ng gobyerno.

“Ang aking pangangampanya kakaiba. Hindi po ako doon sa mga mayayaman. Ang aking pangangampanya dito po ako sa kasuluk-sulukan,yung mga mahihirap na tao. Ito po ang sinusuyod ko,”  ani Pacquiao.

“Dahil itong laban ni Manny Pacquiao, laban ng mga matagal nang naghahangad ng tunay na pagbabago at kaunlaran ng kanilang pamumuhay,” dagdag niya pa.

Naranasan din daw ni Pacquiao ang maging mahirap kaya naman ayaw niya na itong maranasan pa ng kanyang mga kababayan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Kaya ako tumatakbo dahil ayaw kong maranasanan pa ng mga Pilipino ang kahirapang pinagdaanan ko,”

Matatandaan na noon pa lamang ay naminigay na talaga si Pacquiao ng libreng bahay para sa mahihirap.

Ngunit ayon sa ilang eksperto ay pagsubok sa pambansang kamao kung paano niya bibigyan ng pabahay ang mga mahihirap sa buong bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular