Wednesday, October 5, 2022
HomeNetizen's Voice7-11, pinayuhan ang mga customer na tignan ang kanilang resibo sa gitna...

7-11, pinayuhan ang mga customer na tignan ang kanilang resibo sa gitna ng posibleng dayaan sa “cup poll”

Pinaalalahanan ng 7-11 Philippines ang mga netizens na sumasali sa kanilang “cup poll” na laging tignan ang kanilang resibo sa gitna ng diumano’y dayaan sa nasabing promo.

Sinabi ito ng pinakamalaking convenience store brand sa Pilipinas matapos magreklamo ang ilang netizens na iba ang kandidato na nakalagay sa kanilang resibo sa baso na kanilang pinili.

“We continue to remind all customers to ask for and check their receipts to make sure these reflect their purchases, which is always good practice when buying anything from any retailer, but especially helpful to us in this particular endeavor,” ani 7-11.

Sa nasabing promo ay maaring pumili ang mga mamimili ng cups na mayroong tatak ng lima sa mga nangungunang kandidato ngayon sa halalan.

Ito ay sina Vice President Leni Robredo, mga Senador Manny Pacquiao and Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilang post sa social media ay makikita ang mga reklamo ng mga netizens dahil hindi akma sa kanilang kinuhang baso ang kandidato na nakalagay sa kanilang resibo.

Sa post ni @geoffgeoff15 ay makikita na ang kinuha niyang baso ay kay Marcos habang ang nakalagay diumano sa resibo niya ay si Robredo.

Ito rin ang pagbabahagi ng isang netizen na nakilahok sa nasabing promo.

Ito rin ang reklamo ng isang tagasuporta ni Robredo dahil ang kinuha niya namang baso ay para sa bise presidente ngunit ang lumabas sa resibo ay pangalan ni Marcos.

Matatandaan na dalawang presidential candidates ang nanguna sa poll cup simula ng umpisahan ito noong 2013.

Ang mga nasabing kandidato ay sina Noynoy Aquino at Rodrigo Duterte na pawang nanalo din sa pagkapangulo.

Kaya naman ilang netizens na ang sineseryoso kahit ang nasabing promo ng 7-11.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular