Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSecurity Guard, sisante sa trabaho matapos sitahin si Mystica dahil pagka-karaoke nito...

Security Guard, sisante sa trabaho matapos sitahin si Mystica dahil pagka-karaoke nito sa loob ng mall na pasara na pala

Hindi napigilan ni Mystica ang kanyang pagkadismaya matapos putulin ng isang security guard ang kanyang Karaoke concert sa isang mall sa Cavite.

Sa kanyang Youtube, makikita ang dating aktres habang kumakanta sa loob ng DiviMart General Trias City ngunit naputol ang kanyang performance matapos siyang sitahin ng security guard at sabihan na pasara na ang mall.

Depensa naman ni Mystica, dapat ay magalak pa daw ang nasabing mall dahil sa hindi siya kumakanta ng libre at sinunod niya lamang ang request ng mga empleyado ng DiviMart.

Kinanta ni Mystica gamit ang ibinebentang ‘magic microphone’ ang kanyang mga sumikat na awitin.

“MYSTICA DOESN’T JUST SING FOR FREE! THE WHOLE POINT OF MYSTICA IS, SHE WAS REQUESTED TO SING ANOTHER SONG BY THE SALES PEOPLE OF DIVIMART,” ani Mystica.

“GRANTED THAT THE STORE WAS CLOSED WITHOUT HER KNOWLEDGE, THERE IS ALWAYS A PROFESSIONAL WAY TO STOP HER AND SHE MADE HER POINT LOTS OF TIMES IN THIS VIDEO THAT THE RUDE, ILLITERATE, UNEDUCATED, UNPROFESSIONAL AND IDIOT SECURITY PERSONNEL COULD HAVE EASILY ASKED ONE OF THE SALESPERSONS SECRETLY TO LET MYSTICA KNOW THAT THE STORE IS CLOSED RIGHT AFTER THAT 2ND SONG WITHOUT THE RUDE BEHAVIOR OF THAT SECURITY SCOLDING EACH OF THEM RIGHT IN FRONT OF MYSTICA THAT REALLY HUMILIATED HER INFRONT OF OTHER PEOPLE!” dagdag niya pa.

Umabot sa komprontasyon ang nangyari at kahit ang anak ni Mystica ay hindi nakapagpigil na awayin ang security guard.

Pinakilala na nga daw ni Mystica ang nasabing mall pero ang ipinalit sa kanila ay pamamahiya.

Sabi naman ni Mystica sa kanyang update ay sisante na ang nasabing security guard.

Ilan fans naman ni Mystica ang sinabi na dapat lamang masisante ang nasabing security guard kahit na ginagawa lamang nito ang trabaho niya.

Wala pang pahayag ang nasabing mall tungkol sa isyu ni Mystica.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular