Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsPrincipal ng Baybayog High School, itinanggi na namumulitika sila matapos silang maglunsad...

Principal ng Baybayog High School, itinanggi na namumulitika sila matapos silang maglunsad ng ‘welcoming activity’ para kay VP Leni

Mariing itinanggi ng principal ng Baybayog National High School na ginagamit nila sa politika ang kanilang mga estudyante matapos nilang ilunsad ang isang ‘welcoming activity’ para sa pagbisita ni Vice President Leni Robredo sa Alcala, Cagayan.

Humingi ng pang-unawa si Principal Artemio Te sa mga magulang ng mga senior high school student ng nasabing paaralan na hindi nila gagamitin sa pulitika ang kanilang mga anak.

Paliwanag ni Te, gusto lamang daw nilang gawin ang nasabing event upang magbigay galang sa pagpunta ni Robredo sa Cagayan.

“Wala pong halong pulitika, ang purpose [of the activity] is ibigay namin ang tamang respeto sa ating pinakamataas na pinuno sa Pilipinas at parte ng ating civic duty,” ani Te.

Nais lamang daw nilang ipakita na mainit ang pagtanggap ng mga taga Cagayan kay Robredo na ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Naintindihan naman ni Te na may ilang magulang na pumalag sa kanilang ideya.

Dahil dito ay nagdesisyon sila na ikansela na lamang ang nasabing event.

Ayon naman sa Mayor ng Alacla na isang kilalang tagasuporta ni Robredo ay hindi nila alam na mayroon na kumalat na parental consent.

“LGU Alcala is not aware that a Parental Consent for students who wish to welcome our Vice-President was issued. But it is laudable that our dear Alcala teachers would like to engage their students and their parents in this way.” ani Mayor Tin Antonio.

“Of course, our parents and students are free to decide to go or not. But I do hope that the parents would let the students go welcome the Vice-President, as this singular experience would enrich them and instill in them a sense of amity, hospitality and citizenship.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular