Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesNagsisi na? Sharon Cuneta binura na ang post niya laban kay Salvador...

Nagsisi na? Sharon Cuneta binura na ang post niya laban kay Salvador Panelo: “From now on good vibes na!”

Binura na ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang post laban kay senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang reaksyon matapos kantahin ng tanyag na abogado ang isa sa kanyang mga awitin.

Sa kanyang Instagram, mapapansin na wala na ang kanyang post laban kay Panelo kung saan tinawag niya ang performance ni Panelo sa kanyang kanta na ‘Sana’y Wala ng Bukas.’ na “nakakahiya”.

Matapos niya namang burahin ito ay nag post si Cuneta ng ilang quotes katulad ng “Don’t let the ugly in others destroy the beauty in you.” at “From now on, GOOD VIBES ONLY!!! (pink heart emojis)”.

Hindi naman maitago ng ilang netizen na dismayado parin sila sa sinabi ni Cuneta laban kay Panelo na maituturing ang kanyang sarili na fan ng megastar.

 

Mula sa Instagram post ni Sharon Cuneta (reallysharoncuneta)

Matatandaan na isang mamamahayag ang nagsabi na maaring makasira sa career ni Cuneta ang kanyang ginawa na pagbabawal kay Panelo na gamitin ang kanyang kanta.

Sinabi pa nito na maaring makaapekto sa kampanya ng asawa niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pinagsasabi nito sa social media.

Mula sa Instagram post ni Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)

Lalo pang nakisimpatya ang ilang netizens matapos sabihin ni Panelo na kinakanta niya lamang ang awitin ni Cuneta dahil naaalala niya ang kanyang namayapang anak na mayroong Down Syndrome.

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.” ani Panelo.

“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it. I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Cuneta kung bakit hindi niya pinanindigan ang kanyang sinabi sa abogado.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular