Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaIsang ‘propeta’, nahulaan nga ba ang pagiging presidente ni Sen. Manny Pacquiao?

Isang ‘propeta’, nahulaan nga ba ang pagiging presidente ni Sen. Manny Pacquiao?

Isang propeta sa social media ang pinag-uusapan ngayon ng mga fans ni Sen. Manny Pacquiao dahil nahulaan daw nito ang pagkapanalo ng pambansang kamao sa halalan 2022.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Destiny Encounters International co-founder Charlie Shamp na nagpakilalang ‘propeta’ ang kanyang hula para sa susunod na magiging pangulo ng Pilipinas.

“I hear the spirit of the Lord say over the Philippines, for I have now called you to be a shining light, a beacon of hope to all of Asia. For even in the coming days, I will raise up for you a champion, one that has been a champion that you know,” ani Shamp.
“One that who’s like David that is raised out of the dust, from poverty, from a place of obscurity within your country and raised him to prominence as a champion. But even in this house says that Lord, I will raise him, I will lift him to lead the nation in a direction that you have not known for many, many years,” dagdag niya pa.

Ayon sa ilang netizen ay posibleng si Pacquiao ang sinasabi ni Shamp dahil daw sa galing ang pambansang kamao sa hirap at naging kampyeon ito sa boksing.

Ibinahagi din ng Manny Pacquiao Public Information ang hula ni Shamp na sinasabi na kinausap daw ng kalangitan upang tulungan daw ang mga bansa na makabangon.

Wala pang pahayag si Pacquiao sa mga sinabi ni Shamp.

Magkakatotoo nga kaya ang hula ng propeta kahit na makikita sa ilang survey na mababa ang ratings ni Pacquiao?

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular