Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedBritish fan ni Sharon Cuneta, may open letter sa megastar: "Shame that...

British fan ni Sharon Cuneta, may open letter sa megastar: “Shame that you have had to become all political”

Isang British fan ni Sharon Cuneta ang hindi napigilan na madismaya dahil sa mga post ng megastar laban kay senatorial candidate Salvador Panelo.

Matatandaan na binatikos ni Cuneta si Panelo dahil kinanta ng dating presidential spokesperson ang kantang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ na kilalang awitin ni megastar.

Ayon kay Malcolm Conlan na mas kilala bilang ‘British Man with Filipino Heart’ ay lagi niyang pinapanood ang mga performances at movies ni Cuneta at ikinagagalak niya na makita ng personal ang megastar kasama ang asawa nito na si Sen. Kiko Pangilinan.

Ngunit ikinalungkot niya ang mga pinakabagong post ni Cuneta dahil tila naging puro politika na ang kanyang mga pahayag.

Hindi naman daw mapipigil ni Cuneta na isang tanyag na mang-aawit ang kantahin ng kanyang mga fans ang mga llikha niya.

“I do find it rather a shame that you have had to become all political. I fully understand that you want to support your husband Kiko as he runs for public office, of course I understand that it’s natural for any wife to want to support her husband.” ani Sharon.

“But with respect Ma’am, when you are a performer and celebrity, particularly when you have become such a megastar and icon of popular entertainment in the Philippines and indeed around the globe, I don’t think you can stop people connecting with you and your music in some way? When people idolise a singer or entertainer, they connect with their music, songs and performances.” dagdag niya pa.

Sana daw ay ikinatuwa na lamang ni Cuneta na nagamit ni Panelo ang kanta niya para makatulong sa pangungulila ng kilalang abogado sa kanyang namayapang anak na mayroong Down Syndrome.

“Sir Salvador “Sal Panalo” Panelo sung the song I understand as a tribute to his late son, I would hope that you would be proud of the fact that this song has enabled a fellow human to find a connection with your music as well as helping him in the his grieving process, which I am sure many of your countless millions of fans around the world have also done?” sabi pa ni Conlan.

Hindi tuloy naiwasan ni Conlan na tanungin kung pwede pa bang panoorin ng mga fans niya ang mga pelikula niya.

“I have one final question ma’am Sharon, is it ok if I still watch your movies and listen to your songs as I am a supporter of President Duterte, as well as Sir BBM and ma’am Inday Sara Duterte as well as still being a fan of yours?” tanong ng briton.

 

Sa ngayon ay wala pang tugon si Cuneta sa sulat ng kanyang fan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular