Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAma ni Carla Abellana, may pasabog laban kay Tom Rodriguez: "Ang pangyayari,...

Ama ni Carla Abellana, may pasabog laban kay Tom Rodriguez: “Ang pangyayari, one night stand eh. So hindi po natin yun kino-consider na third party,”

Matindi ang pasabog ng ama ni Carla Abella na si PJ laban sa asawa ng aktres na si Tom Rodriguez.

Sa panayam sa kanya ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin, ibinahagi ni PJ ang ilan sa mga detalye tungkol sa posibleng hiwalayan sa pagitan ni Carla at Tom na pinag usapan ng ilang araw sa social media.

Ayon sa kanya ay kahit siya ay nagulat noong una ng lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan ng kanyang anak na hindi diumano nakarating sa kanya.

Inamin naman daw sa kanya ni Carla na mayroon silang hindi pagkakaintindihan ni Tom.

“After few days, nag-reply na po si Carla sa akin. Ganito ang pagkakasabi ng anak ko sa akin, ‘Tom and I are not okay. Anyway papa, we would people to give us the respect,’” kwento ni PJ.

Sinabi ni PJ ay inaayos naman daw ni Carla at Tom ang naging problema nila.

“Hindi ko po sinasabi na hiwalay na ang anak ko sa kanilang pag-aasawa. Hindi ko sinasabi na hiwalay na ang dalawa. Ang point ko dito, kung ano man ang problema nilang mag-asawa ay sine-settle nilang nang sila lang para maayos ito. Dahil hindi sila lulugar sa pagpapakasal para lang maghiwalay,” sabi pa ni PJ.

Ibinunyag naman ni PJ ang isang malaking detalye tungkol sa problema ng mag asawa at ‘yun daw ay pagtataksil ni Tom kay Carla dahil sa ‘one night stand’ na hindi naman daw maikokonsidera na isang ‘third party’ issue.

“Honestly speaking, hindi po natin mako-consider na third party. Kasi po ang pangyayari, one night stand eh. So hindi po natin yun kino-consider na third party,” pasabog ni PJ.

“Inaaamin ko na ‘yan bilang lalaki ako. Ako way back, nangayayari din po ‘yan sa akin. Medyo normal po ‘yan sa buhay ng mga lalaki. Kaya naiintindihan ko po yan,” dagdag pa nito.

“Nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin para sa akin. Bilang isang totoong tao, natural na tao lang po nangyayari mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan,”

Hindi naman daw naniniwala si PJ na mayroong kakaiba sa kasarian ni Tom.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Tom at Carla tungkol sa kanilang isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular