Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSalvador Panelo, may tugon kay Sharon Cuneta: That song reminds me of...

Salvador Panelo, may tugon kay Sharon Cuneta: That song reminds me of my late son who had Down Syndrome

Nagbigay ng kanyang tugon si senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo matapos siyang batikusin ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagkanta nito sa kanyang hit single na ‘Sana’y Wala ng Bukas.’

Sa kanyang Facebook post, ikinalungkot ni Panelo ang naging reaksyon ng Cuneta kung saan ay pinagbawalan siya ng megastar na kantahin ang mga awitin niya.

Ayon kasi kay Sharon ay para lamang sa mga campaign rallies ni Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan maaring gamitin ang kanta niya.

Paliwanag ni Panelo ay paborito niya ang nasabing kanta ni Cuneta dahil naalala niya ang mga ginawa niya para alagaan ang kanyang namayapang anak na si Carlo na mayroong Down Syndrome.

Pumanaw noong 2017 si Carlo sa edad na 27 anyos.

Hindi rin maintindihan ng abogado kung bakit hindi nagustuhan ng ilan ang pagkanta niya na hindi naman daw niya ginagawa para kumita.

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.” ani Panelo.

“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it. I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that.” dagdag niya pa.

Kinausap narin daw ni Panelo ang Viva Records at binigyan siya ng permiso na kantahin ang awitin ni Cuneta kaya naman hindi siya titigil sa pagkanta nito.

“In any case, I did reach out to the copyright owner, Viva Records, and they’ve confirmed that I have permission to sing the song.” saad ng dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte

“I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawatin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin.’” dagdag niya pa.

Nangako naman si Panelo na isusulong niya ang mga panukala na magbibigay tulong sa mga tao na mayroong special needs katulad ng kanyang namayapang anak.

Wala pang tugon si Cuneta sa post ni Panelo.

Matatandaan na kahapon ay inilabas ni Cuneta ang kanyang kontrobersyal na pahayag laban kay Panelo.

“Nanang ko pls lang nakakahiya naman samin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic.” ani Cuneta.

“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy, nakakahiya naman samin! Kinilabutan ako in a bad way!” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular