Friday, September 30, 2022
HomePoliticsPangulong Duterte, susuportahan ang kandidato na mayroong “O” sa pangalan.

Pangulong Duterte, susuportahan ang kandidato na mayroong “O” sa pangalan.

Ibinunyag na mayroong susuportahan si Pangulong Rodrigo Duterte na isang kandidato na tumakbo sa pagkapangulo.

Ito ang sinabi ni communications secretary Martin Andanar sa panayam sa kanya ng Politiko TV.

Ayon kay Andanar ay maaring suportahan ni Duterte ang mga kandidato na may letter “O” sa kanilang pangalan.

Ngunit tila mahirap paring hulaan ang sinasabi ni Andanar dahil halos lahat ng kandidato ay mayroong letrang O sa kanilang pangalan.

Ito’y sina presidential spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, former national security adviser Norberto Gonzales, Senator Ping Lacson, Lanao del Sur businessman Faisal Mangomdato, former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Dr. Jose Montemayor Jr., Senator Manny Pacquiao, and Vice President Leni Robredo.

Samantala ay hindi naman daw susuportahan ni Duterte ang kandidato na mayroong “U” sa pangalan niya.

Dalawa lamang sa mga kandidato ang may U sa kanilang pangalan at yun ay sina Pacquiao at de Guzman.

Sa ngayon daw ay wala paring pinapangalanan ang pangulo na susuportahan niya.

“The President has repeatedly said that he does not support any presidential candidate unless there is a compelling reason at kung maalala niyo po dun sa interview na ginawa natin,” paglilinaw ni Andanar.

Sa ngayon ay matunog ang pangalan ni Marcos at Moreno na diumano’y posibleng suportahan ng pangulo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular