Monday, October 3, 2022
HomePoliticsPangulong Duterte, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ng kanyang anak na si...

Pangulong Duterte, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ng kanyang anak na si Mayor Inday Sara: “Trabaho ka lang and be good and I love you,”

Sa unang pagkakataon ay nagpakita ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kandidatura ng kanyang anak si vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa music video ng “Sara, ikaw na nga” ni Willie Revillame ay ipinakita ang mensahe ni Pangulong Duterte sa kanyang anak na nangunguna ngayon sa mga surveys.

Pinayuhan din nito ang kanyang anak na magtrabaho ng tapat sa kanyang bayan.

“Be true to your country, work hard for the people and the rewards I think may be are there made in heaven, not here. Trabaho ka lang and be good and I love you,” ani Duterte.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa madamdaming video na nilikha ni Revillame para sa kanya.

“Maraming salamat sa puso mo Willie Revillame, sa pagmamahal mo sa pamilyang Duterte at pagmamahal mo sa ating mga kababayan. Napaka ganda ng kanta, na mula sa pagod at puyat ng kampanya mo nagawa. Mahalin natin ang Pilipinas!” ani Inday Sara.

Matatandaan na ilang beses kinontra ni Duterte ang pagpasok sa mas mataas na posisyon ni Inday Sara dahil sa ayaw niyang maranasan ng anak niya ang hirap ng trabaho sa national government.

Ngunit tila unti unting nagbago ang pananaw ng pangulo.

 

Tila nadismaya pa nga ito ng hindi tumbukin ng kanyang anak ang pinakamataas na posisyon at mas pinili na makipag-tandem kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular