Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesNakakahiya! Sharon Cuneta, ikinabwisit ang pagkanta ni Atty. Sal Panelo sa kanyang...

Nakakahiya! Sharon Cuneta, ikinabwisit ang pagkanta ni Atty. Sal Panelo sa kanyang awitin: “Don’t mess with a classic!”

Hindi napigilan ng Megastar Sharon Cuneta na batikusin ang pagkanta ni senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo sa kanyang hit song na Sana’y Wala ng Bukas.

Matatandaan na kinanta ni Panelo ang kilalang awitin ni Cuneta sa meet and greet ni vice presidential candidate Sara Duterte sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Quezon City nitong Marso 10.

Tinawag ni Cuneta na “nakakahiya” ang pagkanta ni Panelo na nakuhanan pa ng CNN Philippines.

Sinabi pa nito na walang permiso si Panelo na kantahin ang likha ng manunulat na si Willy Cruz.

“Nanang ko pls lang nakakahiya naman samin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic.” ani Cuneta.

“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy, nakakahiya naman samin! Kinilabutan ako in a bad way!” dagdag niya pa.

Wala pang tugon si Panelo sa banat sa kanya ni Cuneta na matatandaan na sinusuportahan ang pambato ng oposisyon.

Ilang netizens naman ang nagbahagi ng kanilang opinyon sa sinabi ni Cuneta.

“Ate Shawie, hindi ka composer nong kanta. Boses ang contribution mo doon, so pag iba ang boses, kahit panget, wala ka nang kinalaman doon.” ani RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy.

“Pwede pong kantahin nino man ang kanta, kung e cover at e reproduce ang nasabing kanta, dito lamang magkakaroon ng pahintulot galing sa may ari (not necessarily from the singer). Viva records po may ari. Period,” sabi naman ni Mark Lagumbay.

“Eh di idelete na din lahat ng mga kanta ni Sharon Cuneta from videoke and karaoke bars. Bawal pala kantahin ang mga songs niya. 🙄 #NeverAgain buy her albums.” banat naman ni Noyen Gomez.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular