Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedBabae ibinenta ang kanyang sariling anak para may maitustos sa online sabong

Babae ibinenta ang kanyang sariling anak para may maitustos sa online sabong

Inuulan ng batikos ngayon sa social media ang isang babae matapos nitong ipagpalit ang kanyang sariling anak upang matustusan ang kanyang bisyo na online sabong.

Sa panayam sa kanya ng Pasig News sinabi ng babae na may mga nag alok sa kanya na ibenta ang kanyang anak sa halagang P40,000.

Sinubukan pa niyang itaas ang presyo ng kanyang anak sa halagang P50,000 ngunit ayon sa buyer ay hanggang P45,000 lamang ang kaya nito.

Matapos daw niyang ibigay ang kanyang anak at pumirma ng kasunduan ay tila nakaramdam daw ito ng pagsisisi kaya sinubukan niyang bawiin ang kanyang anak.

Ngunit huli na ito dahil sa pinutol na ng buyer ang kanyang koneksyon sa kanya.

Ipinakita naman ng babae ang larawan ng kanyang anak upang mabigyan ng ideya ang mga netizens.

“Stress po. Madami pong utang,” sabi babae matapos siyang tanungin kung ano ang dahilan ng pagbebenta niya sa kanyang anak.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon tungkol sa anak ng babae.

Matatandaan na mainit ngayon ang imbestigasyon sa online sabong dahil sa mga masasamang naidudulot nito.

Ipinagtanggol naman ng isa sa mga nagmamay-ari ng pinakamalaking e-sabong firm na si Atong Ang ang sabong.

“Bakit tinitingnan niyo yung mga maliliit na kasalanan ng sugal, bakit di niyo tingnan yung sa macro na naitutulong nito?,” ani Ang.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular