Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAiai delas Alas, itinanggi na sinusuportahan niya si Leni Robredo “NANAHIMIK AKO...

Aiai delas Alas, itinanggi na sinusuportahan niya si Leni Robredo “NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito,”

Halata ang pagkadismaya ng komedyante na si Aiai delas Alas matapos siyang mailagay ng isang vlog sa mga listahan ng artista na miyembro diumano ng ‘Kakampink’ o ‘yung mga tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram post, tinapos niya na ang mga haka haka tungkol sa pagiging Kakampink diumano niya na.

Makikita sa thumbnail ng nasabing vlog si Aiai habang nakasoot ng kulay pink na kaparehas ng mga isinusuot ng mga tagasuporta ni Robredo.

Ngunit paglilinaw niya ay galing ang nasabing larawan sa pelikula niyang ‘Tanging ina’.

Ayon kay Aiai ay mas gusto niya na mayroong “pagkakaisa” ang bayan.

“Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito .. tahimik buhay ko .. lahat na lang .. huy !!!!,” ani Aiai.

“Tanging ina ko pa picture yan tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan … pls hindi po ako vp LENI supporter .. #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly,” dagdag niya pa.

Ilan sa mga nagbigay ng komento sa post ni Aiai ay sila Randy Santiago na nagpost lamang ng kulay pula at berde na heart emoji.

May mga netizen din na hiniling na sana’y irespeto na lamang ang desisyon ni Aiai na magkaroon ng ‘privacy’ pagdating sa kanyang susuportahan ng kandidato.

Sa ngayon ay hindi pa sinasagot ni Aiai kung sino nga ba talaga ang manok niya sa halalan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular