Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedYorme Isko, handang maglakad habang nangangampanya sa Davao City bilang pagsunod sa...

Yorme Isko, handang maglakad habang nangangampanya sa Davao City bilang pagsunod sa ordinansa ni Inday Sara

Bilang pagsunod sa ordinansa ni  Mayor Inday Sara Duterte ay  handa diumanong maglakad habang nangangampanya si Manila City Mayor Isko Moreno sa Davao City.

Matatandaan na iniutos ni Duterte ang pagbabawal ng mga motorcade upang maiwasan ang pagkasayang ng petrolyo lalo na’t patuloy ang pagmamahal nito.

“Pwede naman ako maglakad sa Davao”, sabi ni Moreno.

Sa ngayon ay lahat daw ng kandidato ay maaring mangampanya sa Maynila kahit na walang permit.

“Basta welcome sila sa Maynila. Sa Maynila, hindi kailangan ng permit,” saad ni Yorme.

Handa rin naman daw siya na gayahin ang ordinansa ni Inday Sara sa Maynila kung patuloy na magmamahal ang presyo ng petrolyo.

“Why not?,” sabi ng alkalde.

Sa ngayon ay usap usapan ang isinusulong na tambalan sa pagitan ni Moreno at Duterte.

Nitong Marso 9 ay inilunsad ang ISAng Pilipinas na pinapamunuan ng dating aktres na si Vivian Velez upang ilunsad ang nasabing tandem.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular