Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesPBA star Terrence Romeo, nahaharap sa demanda dahil sa palpak nitong pangako...

PBA star Terrence Romeo, nahaharap sa demanda dahil sa palpak nitong pangako sa mga negosyante

Nahaharap ngayon sa demanda ang San Miguel Beermen basketball player na si Terrence Romeo dahil sa diumano’y panloloko na ginawa nito sa ilang mga namumuhunan sa kanyang negosyo.

Sa report ng GMA News, sinabi ng mga nabiktima ni Romeo na pinangakuan sila ng PBA player ng 25% na tubo kada buwan kung mamumuhunan sila sa kanyang negosyo na manukan.

Isa sa mga biktima na si alyas Marco ay nagbigay ng 10-M piso kay Romeo.

“Bibili kami ng chicks tapos yung chicks na ‘yun sila ang magpapalago sa farm nila then meron kang makukuhang dibidendo every month. Noong mga unang buwan okay po sila pero noong tumagal nagkaroon po ng delays,” sabi ng biktima.

Madali silang napaniwala ni Romeo dahil sa ilan din sa mga kilalang artista ang naging endorser ng nasabing kumpanya.

Ngunit matapos daw ng ilang buwan ay hindi na sila nabibigyan ng tubo ni Romeo.

Sinubukan daw nilang makipag usap sa PBA star ngunit hindi sila pinapansin nito.

“Ayaw po sana namin itong palakihin gusto po namin sana isettle so nagkita po kami kaso ayaw pa rin po makipagsettle,” sabi ni Marco.

May ilan pang nabiktima si Romeo na nagbigay din ng milyon milyon sa basketbolista ngunit hindi naman nila naibalik kahit ang puhunan nila.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Romeo sa mga akusasyon laban sa kanya.

Matatandaan na nahuli noong Enero ang asawa ni Romeo na si Beatrice Pia Espina dahil naman sa ‘carnapping’.

Hindi pa malaman kung kasabwat din ba ni Romeo ang kanyang asawa na nakambiktima din ng mga kilalang personalidad kasama na dito si Ogie Diaz.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular