Monday, September 26, 2022
HomeUncategorizedNetizen mano manong binilang ang umattend sa rally ni VP Leni

Netizen mano manong binilang ang umattend sa rally ni VP Leni

Isang netizen ang sinubukan bilangin ang mga dumalo sa isang rally ni Vice President Leni Robredo gamit ang mga larawan na kuha sa nasabing pagtitipon.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Marck Pamintuan ang kanyang pagbibilang sa mga pumunta sa isang rally ni Robredo na ginanap sa General Trias City, Cavite.

Umabot daw ng 15 minuto ang kanyang pagbibilang bago siya umabot sa konklusyon na aabot lamang daw sa 1,656 ang mga dumalo, malayo sa 47,000 na sinasabi ng ilang ulat.

Kung i-x10 daw ito ay aabot lamang sa mahigit 16,000 ang dumalo sa nasabing rally.

Nilinaw niya naman na hindi isang daang porsyentong tama ang kanyang pagbibilang.

“DISCLAIMER: My count is not 100% Accurate.
Took me 10-15mins. 1,656 lang pala nung binilang ko. Assuming kulang ako ng 1000 na bilang (sinobrahan ko na) Wala pa din 3K itong nasa Pic. Mukha lang palang madami,” ani Pamintuan.

“Hindi ko po sinabing ito na lahat ng umattend in contrast sa CLAIM ng mga kakambudol na 47k daw umattend lahat caviteño.
Binilang ko lang yung nasa pic. For your mental health, i-10x natin yung count ko, approximately yun ang total most probably ng tao dito sa lugar na to. Ayan ha. Wag iiyak.” dagdag niya pa.

Umabot naman ng 6,600 shares at 22,000 reactions ang nasabing post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular