Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJinkee Pacquiao, sinigurado na hindi siya gagaya kay Imelda Marcos: “Walang gagawin...

Jinkee Pacquiao, sinigurado na hindi siya gagaya kay Imelda Marcos: “Walang gagawin si Manny na ikakasama ng mga tao.”

Nangako si Jinkee Pacquiao na hindi siya susunod sa yapak ni dating First Lady Imelda Marcos na naging kilala dahil sa kanyang marangyang pamumuhay.

Sa panayam sa kanya ng Tribune sinabi ni Jinkee na hindi niya prayoridad ang magpayaman kung sakali man na manalo ang asawa niyang si presidential candidate Senador Manny Pacquiao.

May ilang netizens kasi ang ikinukumpara si Jinkee sa dating unang ginang na may mga koleksyon din ng mamahaling mga sapatos.

“Alam naman ng mga tao na meron na akong mga ganun and hindi yun [shoe collection] ang priority ko.” ani Jinkee sa panayam sa kanya sa Urdaneta, Pangasinan.

Imbis daw na ibida niya ang kanyang mga mamahaling gamit katulad ng ginagawa niya sa social media ay pagbubuhusan daw ni Jinkee ng oras bilang unang ginang sa pagtulong sa mahihirap.

“Basta’t tutulungan ko si Manny dahil si Manny has a heart of gold. Busilak ang kanyang puso and walang gagawin si Manny na ikakasama ng mga tao.” saad ni Jinkee

“Nasa puso nya ang pagtulong,” she added, her beautiful face glowing with a genuine look of sincerity.” dagdag niya pa.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinabi nadin ng pambansang kamao na hindi susunod si Jinkee sa yapak ni Mrs. Marcos.

Jinkee Pacquiao/FB

“Tinitiyak ko ‘yan. Kilala ko yung asawa ko, hindi siya ganun.

“Ang gusto ng asawa ko, magserbisyo, tumulong sa mga kababaihan at lalung-lalo na yung mga mahihirap.

“Gusto niya yung pagbibigay ng scholarship, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at yung sustainable livelihood. Gusto niya yung mga charity work.”

Hindi naman pinansin ng unang ginang ang mga pahayag na ito ni Pacquiao.

Katunggali ng pambansang kamao sa pinakamataas na posisyon ang anak ni Mrs. Marcos na si Bongbong.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular