Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesEdu Manzano, naniniwala na kayang lutasin ni 'commander-in-chief' Leni Robredo ang WPS...

Edu Manzano, naniniwala na kayang lutasin ni ‘commander-in-chief’ Leni Robredo ang WPS issue

Naniniwala ang aktor na si Edu Manzano na si Vice President Leni Robredo ang posible na magtapos ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Sa isang campaign commercial, sinabi ni Manzano na mayaman ang WPS sa yamang dagat na makakatulong para sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho at pagkain.

Ngunit dahil sa nangyayaring sigalot ngayon sa nasabing lugar ay hindi maayos na nakakapangisda ang mga Pilipino doon.

Matatandaan na nanalo ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration  sa The Hague ngunit hindi parin nirespeto ng China ang nasabing desisyon.

Ayon kay Manzano ay nakay Robredo ang mga katangian ng isang lider na kayang ipaglaban ang karapatan ng bansa at ng mga mangingisda nito.

“Kailangan natin ipaglaban yung sa atin. At kailangan natin ng lider na handang pumalag dahil ang ‘atin ay atin,” ani Manzano. “Yun mismo ang sinabi ni VP Leni Robredo tungkol sa West Philippines Sea.”

Naniniwala rin si Manzano na kayang kaya ni Robredo na pamunuan ang mga kasundaluhan ng Pilipinas.

“Kaya ilan sa ating magagaling na dating miyembro ng Armed Forces ang nagsasabi at naniniwala na si VP Leni Robredo lamang ang may kakayahan, talino at tapang para maging Presidente at Commander-in-Chief natin.” sabi ni Manzano.

“Ipaglalaban niya ang Pilipinas para sa Pilipino.” dagdag niya pa.

Matatandaan na isa si Robredo sa mga bukas para sa ‘joint exploration’ sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Ngunit ayon sa kanya ay dapat munang kilalanin ng China ang arbitral ruling.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular