Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsManny Pacquiao sa pagtataas ng sexual consent sa 16 anyos: "Yung kapatid...

Manny Pacquiao sa pagtataas ng sexual consent sa 16 anyos: “Yung kapatid ko nag-asawa 14 years old”

Pabor man si presidential candidate Manny Pacquiao sa pinirmahang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtataas ng ‘sexual consent’  ay tila naniniwala parin ito na katanggap tanggap parin ang pag-aasawa ng ilan kahit na sila ay 16 anyos pababa.

Sa kanyang talumpati sa Porac, Pampanga, ikinuwento ni Pacquiao ang istorya ng kanyang kapatid na ikinasal na kahit na 14 anyos pa lamang ito.

Ayon kay Pacquiao ay maayos naman ang naging buhay ng kanyang kapatid kahit na maaga itong nag asawa.

“‘Yung kapatid ko nag-asawa 14 years old, siguro mag-15 pa lang siya. E nagdesisyon na siya eh, nagdesisyon siya mag-asawa na siya, may pag-iisip na siya so pinayagan ng mama ko. Okay naman ‘yung buhay niya, wala namang problema ‘yung kapatid ko,” ani pacquiao.

Naniniwala ang pambansang kamao na dapat hayaan na lamang ang mga kabataan na mag desisyon dahil sa madali na ang makakuha ng impormasyon lalo na’t mayroon ng internet.

“Noong unang panahon kapag 16 years old ka, naive ka pa sa consent formation. Pero ngayon kahit 15 years old ka, 16 years old ka, ‘yung knowledge mo, nalalaman mo sa buhay ay grabe na. Nag-increase na ang knowledge ng tao dahil sa technology natin, I think marami nang kaalaman,” paliwanag ng senador.

“Kahit 14 years old lang marami na siyang alam eh sa buhay. Although hindi ko naman sila ine-encourage na mag-asawa na agad ng 14 years old, 15 years old,” dagdag niya pa.

“Ang ineexplain ko lang ang 14 years old, 15 years old, 16 years old marami nang kaalaman because of technology ngayon, high-tech na,”

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11648 upang maprotektahan pa lalo ang mga kabataan ngayon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular