Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedKris Aquino, pinuna ang 'red heart emoji' ng kanyang follower: "Can you...

Kris Aquino, pinuna ang ‘red heart emoji’ ng kanyang follower: “Can you use yellow hearts or pink?”

Nakiusap ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa isa niyang follower na baguhin na ang kulay ng heart emoji na kanyang gagamitin kung siya ay magbibigay ng komento sa social media.

Ito’y sa gitna ng kanyang kinakaharap na pagsubok sa kalusugan niya na kanya namang ikinukwento sa mga followers niya sa Instagram.

Dahil dito ay hindi maiiwasan ang ilang netizen na magbahagi ng heart emoji upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa television host.

Isa si @krisaquinoworld sa mga nagbigay ng mensahe ng pagdarasal para kay Kris.

“We continue to pray for your healing and recovery the soonest! Thank you for keeping us updated on your health!” sabi ng netizen na nagsama ng tatlong pulang heart emoji sa kanyang mensahe.

Imbis na magpasalamat ay hiniling ni Kris na sana’y dilaw o purple ang gamitin nilang heart emoji.

“I’m sure gets niyo na why wag muna red.” tugon ni Kris.

Hindi man kinumpirma ni Kris ay may ilang netizen ang sinabi na maaring konektado sa politika ang sinasabi ng host tungkol sa kulay heart emoji.

Ang kulay dilaw kasi ay ang ginagamit na political color ng pamilya Aquino habang ang pink naman ay kay presidential candidate Leni Robredo.

Ang pula naman ay kasalukuyang ginagamit ngayon ni presidential candidate Bongbong Marcos na maituturing na katunggali ng mga Aquino at Robredo.

Nakakuha ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang sinabing ito ni Kris at isa sa mga nagbigay ng kanilang opinyon ay ang kolumnista na si Cristy Fermin.

“Ang gusto niya yellow at pink, alam mo ineng, hayan tuloy, anong sabi sa kaniya ng mga tao, ‘Iyang may sakit ka na nga napaka-bitter mo pa rin… asikasuhin mo na lang ‘yang pagkakasakit mo’, ‘di ba? Nakakaloka…” ani Cristy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular