Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedKris Aquino, hinimok ng mga albularyo na 'magpatawas' muna dahil baka ito...

Kris Aquino, hinimok ng mga albularyo na ‘magpatawas’ muna dahil baka ito ay kinukulam na

Ilang mga albularyo ang pinayuhan si Kris Aquino na subukan ang ‘pagpapatawas’ na posibleng makatulong sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

Ito ang pagbubulgar ng co-host ng kolumnista na si Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute nitong Marso 7.

Ayon daw kasi kay Nay Cristy ay marami daw ang tila naasar ngayon kay Kris dahil sa kanyang pagpuna sa mga nagko-comment sa kanya ng ‘red heart emoji’.

Ang gusto daw kasi ni Kris ay ‘pink’ at ‘yellow’ ang gamitin ng mga followers niya na kulay para sa heart emoji nila.

“Huwag mo nang pansinin ‘yang mga ‘yan, huwag ka nang dutdot nang dutdot ng mga bagay na hindi naman makatutulong sa paggaling mo, ano ba talaga ang kulay ng puso, hindi ba pula? Bakit ginagawa mong pink saka yellow? Sa hitsura mong ‘yan ngayon, nasa utak mo pa rin ang politika?” ani Cristy.

Dito na sinabi ni Rommel Chika na may mga vloggers na albularyo na gustong matulungan si Kris sa kanyang nararamdaman.

“At heto pala ‘Nay, nakalimutan ko pala sa iyo ikuwento, sa YouTube ay may mga manggagamot na ibina-vlog siya, ‘di ba sinabi mo dati na bakit hindi kaya ‘to magpatingin sa albularyo, manggagamot, kasi iba yung sakit niya, hindi makita…” ani Rommel.

“Meron kasi tayong kasabihan na mga Pilipino, at kapaniwalaan, at the same time, na kapag ang sakit ay hindi kayang pagalingin ng mga espesyalista, at ng mga gamot, may tumatrabaho.”

“Ang ibig sabihin no’n, may nagpapakulam! May nagpapabarang. Eh, ano naman ang masama kung maniwala rin siya, kung ayaw niya maniwala eh ‘di huwag!”

Isa sa mga albularyo na vlogger na nagbigay ng payo kay Kris ay si ‘Maestro Mo’.

Matatandaan na sinabi na ni Kris na hindi siya naniniwala sa mga albularyo at mas tiwala ito sa kanyang mga doktor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular