Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAndrew E inakusahan ng pagiging bayaran matapos mag rap para sa BBM-Sara:...

Andrew E inakusahan ng pagiging bayaran matapos mag rap para sa BBM-Sara: “Andrew E performed for money”

Ang legendary hip-hop artist na si Andrew E naman ngayon ang nakatikim ng ‘cancel’ mula sa ilang netizens matapos siyang magtanghal sa rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Inday Sara Duterte.

Sa ilang video sa social media ay makikita si Andrew E habang kinakanta ang kanyang mga awitin sa Guiguinto, Bulacan.

Dahil dito ay hindi naiwasan ng ilang netizens sa Twitter ang batikusin ang rapper dahil sa pagsuporta nito kay BBM-Sara.

From Andrew E. to Andrew Eww.” ani netizen @brightwin_4ev3r.

i never really liked andrew e. his songs are admittedly catchy but they are a bit too… objectifying for me. and there was the controversy of plagiarism, too.” sabi naman ni @kalzester

May ilang netizens pa ang sinabi na binayaran si Andrew E para mag-perform ang rapper para kay BBM-Sara.

Andrew E performed for money. Whereas, artists and performers who go to rally Robredo and her team do have their talent fees waived.” ayon kay @iamjuandiego225.

Mula sa twitter ni Juan Diego (@iamjuandiego225)

Anong silbi ng pagsuporta ng Andrew E nyong laos kung bayad naman sya sa performances nya? haha,” saad naman ni @xtianjgvrra.

Samantala ay hindi naman lahat ng nasa Twitter ay binatikos si Andrew E at may ilan naman na ipinagtanggol ito.

This hate and cancel culture that people are living in for the 2022 elections is disgusting. Lahat nalang aalmahan nyo. Ultimo pag rap ni Andrew E ang lalaking issue agad. People are just embarrassing nowadays.” tweet ni @bluedwall.

They thought Andrew E is Cancelled. Dude is the backbone of some PH HipHop artists today. You cancel him,him and his family still be eating 3 times a day with merienda. Don’t even try to say he’s paid for it,Man is Rich.” depensa naman ni @HiponStew.

Hinihingan pa namin ng panig ang rapper kung totoo nga ba na binayaran siya ng kampo nila Marcos at Duterte.

Matatandaan na una ng nakatanggap ng cancel sila Toni Gonzaga, Karla Estrada at ilan pang artista na nagpakita ng suporta sa tambalang BBM-Sara.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular