Monday, September 26, 2022
HomeUncategorizedAnak ni Ka Leody de Guzman ayaw talaga patakbuhin ang tatay niya:...

Anak ni Ka Leody de Guzman ayaw talaga patakbuhin ang tatay niya: “Natatakot kami sa security ng family”

Inamin ng anak ni presidential candidate Ka Leody De Guzman na kontra siya sa pagtakbo ng kanyang ama sa pagkapangulo.

Sinabi ito ni Dexter De Guzman sa panayam sa kanya ng tanyag na talkshow host na si Boy Abunda nitong Marso 7.

Kwento ni De Guzman ay ikinagulat nila ang desisyon ng kanilang ama na tumatakbo ngayon sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa (PLM) dahil pinakamataas na posisyon ang gusto nitong maabot.

Ngunit nakumbinsi naman sila ng kanilang ama na seryoso ang kanyang kagustuhan na maging presidente.

Mula sa Twitter ni Ka Leody de Guzman (LeodyManggagawa)

“Syempre na shock ako… Tatay ko tatakbo [sa] pinakamataas na posisyon?… Ayaw talaga namin, nag-usap kami, inupuan namin. Na-explain-an kami na kung bakit niya gustong tumakbo. Ayun, naliwanagan kami,” ani De Guzman.

Kahit na ganon ay hindi parin naiwasan ni De Guzman na mag alala sa kanilang seguridad lalo na’t mataas ang posisyon na tinatakbuhan ng kanilang padre de pamilya.

“Natatakot kami sa security ng family. ‘Pag tumakbo ka, syempre, mae-expose ‘yung family niyo. Though wala naman kaming problema doon, wala naman kaming tinatago. As I’ve mentioned earlier, hindi kami sanay Tito Boy na nasa amin ‘yung atensyon ng mga tao.” sabi niya pa.

Matatandaan na nag viral sa social media ang larawan ng kandidato kasama ang kanyang pamilya kung saan makikita ang tila disente na pamumuhay nito.

Ang ilan kasi ay sinabi na malayo na ang antas ng pamumuhay ng kandidato sa kanyang inirerepresentang mga mahihirap.

Pati ang mamahaling aso ng pamilya De Guzman ay nadamay sa pagtatanong ng mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular