Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesVivian Velez, sinabi na hindi kandidato ni Duterte si BBM: "Huwag kayong...

Vivian Velez, sinabi na hindi kandidato ni Duterte si BBM: “Huwag kayong assuming!”

Naniniwala ang dating aktres na si Vivian Velez na hindi si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kahit na sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Narvacan, Ilocos Sur na bahala na ang tao kung pipili sila ng “Ilokano” na papalit sa kanya.

“In my Cabinet, apat o tatlo na lang kaming Bisaya, ang naiwan puro mga Ilokano na,” ani Duterte.

“Kaya ibigay ko na lang ‘yan… aalis na ako sa Malacañang. Mamili na kayo kung sinong Ilocano na leader ang ilagay ninyo doon,” dagdag niya pa.

Ngunit ayon kay Velez, hindi lang naintindihan ng mga netizens ang totoong ibig sabihin ni Duterte sa nasabing talumpati.

“What PRD is referring to are his cabinet members, which are outnumbered by Ilocanos. Clearly, he was not talking about presidency. Btw, he was making a speech in front of the Ilocanos. Let’s hear him kung ano sasabihin nya kung nasa Visayas at Mindanao sya,” ani Velez.

“Huwag assuming. Watch the video, ito ang malinaw.” dagdag niya pa.

Tila may nakikita naman si Velez na diumano’y susuportahan ng partido ng pangulo na PDP-Laban.

Sa ilang litrato na ibinahagi niya sa social media ay makikita ang proclamation rally ng PDP-Laban kung saan may ilang mga nandoon na hawak hawak ang isang karatula na tila kapareho ng hand sign ni presdential candidate Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

“The hand sign of Yorme Isko was predominantly displayed in the event. PRRD will start campaigning for PDP-Laban national and local candidates on March 25.” ani Velez.

Si Velez ay kilalang tagasuporta ni Moreno.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular