Monday, October 3, 2022
HomePoliticsRep. Boying Remulla, ipinaglaban na may hakot talaga sa rally ni Robredo...

Rep. Boying Remulla, ipinaglaban na may hakot talaga sa rally ni Robredo sa Cavite: “I saw it with my own eyes. “

Pinanindigan ni Cavite 7th District Rep. Boying Remulla na naghakot talaga ang kampo ni presidential candidate Vice President Leni Robredo upang maging matagumpay ang campaign rally nito na ginanap sa General Trias City.

Sa panayam sa kanya ABS-CBN News Channel, sinabi ni Remulla na mismong siya ang nakakita kung paano dinala nila Robredo ang hakot nila na hindi naman daw taga Cavite.

Naniniwala siya na ginawa ito ng kampo ni Robredo upang maipakita na madami ang nasuporta sa bise sa Cavite.

“Kaya ganun ang nangyayari, nagpa-panic sila, kasi nabibisto yung gimik nila. Kasi gusto nila na magkaroon ng bandwagon effect sa Cavite, eh wala naman talaga eh. Alam mo yung exaggeration lang ng dami ng pumunta sa rally, hindi ako maniniwala sa dami na yon,” ani Remulla.

“Nakita ko yon Karmina, I saw it with my own eyes. People alighting from the jeep, young students, may mga mass manufactured flags sila, na medya-medya ang tawag sa kahoy na dala nila, may banderang pink.” dagdag niya pa.

“Hindi ako nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo,”

Ngunit ayon sa kampo ni Robredo ay walang katotohanan ang sinasabi ni Remulla.

“Ang hirap kasi sa ibang mga politiko, siguro nakagawian na nila na doon sa mga rally nila talagang hakot ang kailangan nilang gawin para magkatao. So, iniisip nila ‘yun lang ang tanging paraan para magkaroon ng tao sa isang political rally,” sabi ng tagapagsalita ni Robredo.

Matatandaan na inulan kahapon ng batikos si Boying sa Twitter at nag trending din ang #HindiKamiBayad sa nasabing social media platform.0

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular